|
|
| Dingdong, ayaw sumawsaw sa pagkakatsugi ni John Lloyd sa TVCAuthor: People's Tonight Ayaw mag-comment ni Dingdong Dantes sa isyung dapat si John Lloyd Cruz at hindi si Jericho Rosales ang kasama nila ni Piolo Pascual sa TVC ng isang shampoo brand dahil talent lang daw siya at 'di alam ang nangyaring negosasyon sa ibang talent. Naitsika rin nitong hindi sila magkakasama sa shoot ng TVC dahil separate silang kinunan at nagkita-kita lang sa kanilang pictorial. Happy ang actor na marami ang nagkakagusto sa TVC lalo't first time niyang makasama si Jericho dahil si Piolo ay nakasama na niya. Nang makausap si Dingdong sa taping ng Stairway to Heaven, katatapos lang kunan ang isa sa mahahabang kissing scene nila ni Rhian Ramos na na-take four dahil kinunan sa different angles. Ayaw nitong tanggapin na dahil lang sa kanya kaya pumalo na sa 30s ang rating ng soap dahil team effort daw ito at sinusubaybayan ng viewers ang magandang istorya at ang tambalan na rin nila ni Rhian. Dalang-dala raw siya sa karakter ni Cholo at kailangang pag-uwi niya'y alam niya kung paano mag-shut down at bumalik sa kung sino siya. Malaking privilege pala kay Dingdong ang mapiling spokesperson ng AYOS NA! O Advocates of Youth and Students for Noynoy na tutulong sa kandidatura ni Sen. Noynoy Aquino. Ang trabaho raw niya ay iparating kay Noynoy kung ano ang kailangan ng kabataan at wish nitong magawa niya ang kanyang trabaho. Nag-shoot na sila ni Marian Rivera ng music video ng Hindi Ka Nag-iisa, composition ni Ogie Alcasid at kinanta ni Regine Velasquez. Natutuwa si Dingdong dahil sa nasabing music video, magkakasama ang talents ng ABS-CBN at GMA-7 na susuporta kay Sen. Noynoy. Samantala sa Stairway to Heaven mamaya, uutusan ni Maita (Jean Garcia) si Eunice (Glaiza de Castro) na kumbinsihin ni Charlie (TJ Trinidad) na makipagsabwatan sa kanila para hindi magkabalikan sina Cholo at Jenna, pero ayaw makisali ng binata sa plano. Nauwi sa away ang double date ng apat at makikipagsabwatan si Cholo kay Badet (Karen delos Reyes). * * * Magkasama ang mag-partner na sina Sheree at Gian Magdangal sa Rosalinda, pero wala pa silang eksenang magkasama. Si Jomari Yllana ang laging ka-eksena ng una at si Geoff Eigenmann naman ang laging kasama ng huli at walang idea si Sheree kung pagtatagpuin ang mga karakter nilang sina Natalia at Gerardo, respectively. Hindi pa rin niya alam kung magakakatuluyan sina Natalia at Alex (Jomari). Masaya si Sheree na mapasama sa Rosalinda dahil sinubaybayan niya ang original version nito at muntik pa raw masunog ang bahay nila dahil habang nagpiprito ng isda, nakatutok sa TV at nagulat nang magliyab ang kalan. Thankful si Sheree sa suporta ni Gian sa kanya at sa kanyang career. Hindi siya pinagilan nang muling mag-pose for FHM sa September issue, kabado siya nang ipakita ang pictures niya, pero sa halip na magalit, "wow, ang ganda!" ang comment nito. Hubad si Sheree sa cover at natuwa nang malamang laging sold out ang issue na 'yon kaya ilalabas ng Viva Entertainment sa gosquirt. com. Sa ganda ng pictorial niya, hindi raw siya mahihiyang ipakita 'yon sa anak nila ni Gian, si Gian Haley, paglaki nito. Source: People's Tonight |