Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong binulabog ang ABS-CBN

Author: Mell T. Navarro
Column: Moutful

FOR the first time after many years, muling nakatapak ang Kapuso hunk na si Dingdong Dantes sa ABS-CBN.

Binulabog ni Dingdong ang ilang mga taong nakakita sa kanyang pagpasok ng compound last Monday, nang mag-park ito sa may Starbucks area, habang sinundo siya at ang manager niyang si Perry Lansigan ng marshall.

"Bakit andito si Dingdong, lilipat na ba siya?" bulung-bulungan ng marami na nakakita sa aktor mula sa Gram's Diner palakad sa hall.

Nakasalubong pa ni Dong along the way si Direk Manny Castañeda na guest ng Sharon at si Cornelia "Angge" Lee na parehong nagulat sa presence ni Dong.

In fairness, binati naman sila ngguwapong aktor.

Nang makarating na si Dingdong sa may near Dolphy Theatre at cafeteria, ang daming nakapilang lalaki't babaing mag-o-audition for Wowowee, na mga nakapasa sa Nursing Board Exams.

Gulat na gulat ang female fans at tilian ang mga ito nang masilayan si Dong na magiliw namang kumaway bago pumasok ng elevator patungong Studio 12.

Taping 'yun ni Dong bilang celebrity guest VJ ng Pop MYX of Studio 23, na sister channel ng ABS-CBN.

Nang makatunog naman ang Kapamilya talk show crew na nasa Dos si Dingdong, eh, sumugod ang mga ito sa Studio 12 to interview him!

Super-bihira nga namang tumapak si Dong sa bakuran ng karibal na istasyon ng mother studio nito.

Ano'ng pakiramdam niya sa pagtapak sa Dos?

"Para akong nasa ibang bansa!" pabirong reaksiyon ni Dong, na natural lang naman dahil halos lumaki't nagbinata na siya sa Siyete.

"Pero tama lang naman ang feeeling, kasi, naging semi-regular rin naman ako ng Keep On Dancing some years ago," say pa ni Dong.

Magandang opportunity ito for him to do Pop MYX, para mas maraming taong ma-reach out, to promote his album for Universal Records, entitled The Dingdong Dantes Experience, na naka-gold record na in just one week time.

Binigyan na nga siya ng nasabing recording company ng Gold Record Award last Sunday sa SOP.

Since Kapamilya na rin ang ex-girlfriend nitong si Karylle, hindi naiwasan ng TV crew na tanungin ang aktor na kung sakaling makakasalubong niya sa Dos si Kaye, hindi ba siya natatakot o iiwas?

"No naman, wala naman dapat ikatakot or iwasan eh. Sunud-sunod kasi ang taping ko ng spiels dito and aalis agad kami.

"Kung makasalubong ko siya sa hallway pag-uwi? I would say to her, 'Nice place you got here!' It's a nice place naman talaga. Maganda ang pakikitungo sa akin dito, lalo na pagda-ting ko dito sa MYX for work," masayang sagot ni Dong.

Ang Pop MYX guesting ni Dong as celebrity VJ ay mapapanood mula August 9 to 22, 7am, 4:30pm, at 10pm (Monday to Friday), at 2am and 2pm naman tuwing Sabado't Linggo.

* * *

ASIDE from acting, pino-focus muna ngayon ni Jomari Yllana ang sarili sa kanyang newfound career -- ang pagma-manage ng production outfit na Fearless Production.

Ang kumpanyang ito na co-owned by brothers Ronald and Ryan Singson, ang nagdala sa bansa recently kina David Cook and David Archuleta of American Idol.

Unang project nila ang reunion concert of his ex-girlfriend Pops Fernandez and Martin Nievera titled Missing You.

Ngayong August 1, excited na si Jomari dahil may bago na namang concert si-yang ipu-produce, ang YouTube singing sensation na si Marie Digby.

Sa NBC Tent gagana-pin ang Marie Digby Live in Manila concert for Pinoy concert lovers.

"Hindi ko pa siya nakilala, pero naki-lala na siya ni Ronald. Nung Miyerkules ko lang siya na-meet pagda-ting niya rito.

"But maganda ang pro-ject, maganda ang idea. It's very fresh, she's a new artist, and definitely she's gonna make it big. As early as now, gusto ko ma-experience na natin siya dito sa Pilipinas. "

Binibiro si Jomari na hindi raw kaya ma-develop siya kay Marie dahil sa ganda nito?

"Tingnan natin, maganda siya, pero ayokong haluan ng personal ang trabaho eh, hahaha!" tawa niya.

"Although single naman ako ngayon, kaya lang, 'wag naman.

"Gusto lang bigyan ng break ng Fearless Productions si Marie Digby dito sa atin, na sikat sa YouTube. Malay mo, mas lumaki pa pangalan niya di ba?" nakangiting pahayag pa ni Jom.

Source: Taliba