Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, 'di apektado ng kanegahan ni Marian

Author: Gerry Ocampo

Kahit anong pilit ng mga reporter kina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa presscon ng When I Met U kung ano ba talaga ang real score sa kanila ay laging sinasabi ng dalawa na "What you see is what you get. "

Pero kimumpirma ni Chard (tawag ni KC sa aktor) na magkasama sila nu'ng February of 2007 pero wala raw ibang ibig sabihin 'yon.

"KC is the type of a woman na ipakikilala mo sa iyong magulang. Hindi siya mahirap mahalin. Maipagmamalaki mo siya," say ni Richard

Nagpasalamat at namula si KC sa tinuran ni Richard.

Nang si KC naman ang pilit na pinaamin kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Richard, ayon sa dalaga, "Chard is a nice and lovable person. Masaya kami ''pag mag-kasama. "

Naikuwento rin ni KC sa ikalawang pagsasama nila ni Chard sa movie na hindi na siya naiilang, not like before na talagang asiwang-asiwa siya sa aktor lalo na nu'ng kunan ang kissing scene nila,

"Nailang talaga ako kasi may taong nakapaligid sa amin. Pero ngayon, okey na. Medyo nasanay na rin ako," kuwento ni KC.

* * *

Hindi apektado si Dingdong Dantes sa pagiging nega ng ka-loveteam na si Marian Rivera dahil tuloy pa rin ang kanyang magagandang pro-ject for 2009.

Siya ang latest endorser ng Goldilocks Bakeshop and Resto pagkatapos ni Kris Aquino.

Nalokah lang ang mga reporter na dumalo sa presscon ni Dong for Goldilocks sa Shangri-La Hotel dahil nando'n din ang ex-girlfriend niyang si Karylle.

Sayang at hindi nagkita ang dalawa dahil nang pumasok na si Dong ay nakaalis na si Karylle.

* * *

KAHAPON sa Ripley`s Believe It Or Not ng GMA-7 hosted by Chris Tiu, ay ipinakita ang isang lalaki na tinamaan ng pana sa ulo pero himalang na-buhay.

Sobra talagang naka-kabilib ang ipinakikita sa show kaya huwag ninyo itong kaligtaang panoorin.

Source: People's Tonight