|
|
| Dingdong, 'di iiwan si MarianAuthor: Vir Gonzales Sa New York na aabutin ng Pasko at New Year si Batangas Governor Vilma Santoskasama ang pamilya. Sasamantalahin daw niya ang ilang araw ng bakasyon. Gusto ni Gov. Vi na makita ng anak na si Ryan Christopher ang pag-ulan ng snow. Karaniwan kasi sa pelikula lang ito napapanood at nakikita lang sa mga post card. "Worried nga ako, sobrang lamig sa New York ngayon," sabi pa niya. Pupuntahan din niya ang place na pagsusyutingan nila ng anak na si Luis Manzano. Librarian ang magiging role ni Gov. Vi sa pelikula at sobrang abala na siya sa paghahanda para rito. * * * Naawa kami kay Marian Rivera noong presscon ng Desperadas 2. Hindi man niya sinasadya, nagnakaw talaga siya ng eksena sa presscon. Tinalbugan niya ang iba pang stars ng pelikula na nasa presidential table tulad nina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Ogie Alcasid at Ruffa Gutierrez. Hindi kasalanan ni Marian kung magustuhan siya ni Dingdong Dantes. Maganda, college graduate at higit sa lahat sikat si Marian. Hindi tala-ga siya hi-hiwalayan ni Ding-dong dahil baka mala-gay sa ala-nganin ang career niya kapag gi-nawa niya ito. Sa rami kasi ng iti-nambal kay Dingdong, kay Marian lang siya talagang nagklik. Kaya tigi-lan na ang tsismis tung-kol kay Ma-rian, huh! Si Dingdong ang may gusto sa kanya, hindi siya. * * * Masaya ang Paskong da-rating para kay Jao Ma-pa. Mara-ming blessings kasi siyang na-tanggap this year. May mga movie siyang ginawa tulad ng Medalya kung saan pinalakpakan ang performance niya noong premier night sa AFP theater. Kasama din siya sa pelikula nina Jericho Rosales at Anne Curtis na Baler na palabas na sa darating na Metro Manila Film Festival. Hindi rin nalilimutan ni Jao ang pagpipinta. Naka-display ang mga obra maestra niya sa Golden Tower ng Makati City. Simple lang niyang isinelebreyt ang kanyang kaarawan noong Dec. 8 kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. * * * Nakapamili na ng mga pamasko para sa pamilya at kapatid si Rochelle Pangilinan na bida sa Tinderella. Unang taon kasing ise-celebrate ng dalaga ang kapaskuhan na wala ang kanyang tatay. Papa's girl si Rochelle kaya sobrang nami-miss niya ang kanyang father. Malamig din daw ang Pasko niya dahil wala siyang boyfriend ngayon. Source: People's Tonight |