Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong dinedma si Eugene

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Kahit umuulan ay dinagsa ang press premiere ng Kimmy Dora nina Eugene Domingo at Dingdong Dan-tes sa Cineplex ng Shangri-La Plaza.

Maagang dumating si Eugene para siya mismo ang sumalubong sa mga bi-sita at magpasalamat na rin sa suporta sa kanyang peli-kula. Kaya lang walang Dingdong Dantes na duma-ting na leading man pa naman ni Uge. Nagte-taping na kasi si Dong for Stairway to Heaven kaya hindi nakasipot sa premiere. Pagkatapos ng premiere night, buong ningning na pinalakpakan si Eugene ng entertainment press. Wika ni Uge, kung gaano karami ang dumalo sa kanilang premiere ay ganoon din tiyak ang moviegoers kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan.

* * *

Inamin ni Vilma Santos nasasaktan siya kapag napapagalitan ni Direk Olive Lamasan si Luis Manzano sa eksena nito sa In My Life.

Pero wala siyang magawa kundi tumahimik dahil ayaw niyang makialam sa pagmo-motivate sa anak pagdating sa tamang acting.

"Hindi ako nag-stage mother dito. In fact, first scene namin ni Lucky, sina-bi ko agad sa kanyang anak, you`re portraying a role here. Hindi ka rito host," wika ni Gov. Vi.

Sa trailer pa lang ng mo-vie ay nakapag-emote naman si Luis nang tama at effective ang pagganap bilang gay son sa In My Life.

Dahil sa husay ng akting ni Luis sa movie ay very proud si Ate Vi sa anak.

* * *

Muling ipinagdiinan ni Manny Pacquiao na walang katotohanan ang balitang aatras na siya sa pla-nong pagkandidato sa 2010.

"Tuloy ang pagtakbo kong congressman sa Saranggani province. Gawa-gawa lang ng mga kalaban ko na palabasing umatras na ako," wika ni Manny nang makausap namin sa presscon ng Show Me Da Manny.

By the way, masaya si Manny dahil maganda ang feedback ng pilot episode ng SMDM. Ngayong Sunday ay marami na naman ang nag-abang kung anong katatawanan ang mapapanood nila.

* * *

SA Enchanted Kingdom ng Santa Rosa Laguna unang nag-taping sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos para sa Stairway to Hea-ven.

Ayon kay Dingdong, na-ging maganda naman kaagad ang chemistry nila ni Rhian sa unang pagkikita kaya walang naging problema sa taping. Humanga si Dingdong kay Rhian sa pagiging professional ng da-laga.

Super-hanga rin kay Dingdong si Rhian. Alam na niyang may romantic scene sila ng aktor sa STH at ito ay kinasasabikan na niyang mangyari. Hindi naman ka-ya siya pagselosan ni Ma-rian Rivera?

"Naku, walang dapat ipagselos dahil ginagawa lang namin ang role na ipi-nagkatiwala sa amin. Huwag mag-alala si Marian dahil trabaho lang at walang personalan," say ni Rhian.

* * *

NANGANGARAP ba kayong sumikat sa telebisyon at maging tanyag na artista rin?

This Sunday (Aug. 30), isang engrandeng launching ang mapapanood sa SOP dahil magsisimula na ang pinakaaabangang reality ar-tista search ng GMA7, ang StarStruck 5.

Ang mga kabataan may edad 16 to 23 years old, ba-bae o lalaki, Filipino citizen at may natatanging talent sa pagkanta, pagsayaw at acting ay maaaring magpunta sa GMA Network Drive ngayong Linggo, simula alas-10 ng umaga at kumuha ng StarStruck application forms.

Magkakaroon din ng simultaneous live remote feeds at release ng application forms sa SM Cebu, SM Davao, SM Iloilo at Stadia sa Dagupan.

Sa mga nais sumali, magdala ng original birth certificate at whole body and close-up photos. Kailangan mayroon ding written consent mula sa parents ang mga aplikanteng nasa 18 years old pababa at magdala rin ng original at photocopy ng valid ID's upang makasali sa auditions.

Maliban sa pagsalubong sa SOP, makikisaya rin ang Kapuso stars sa engrandeng selebrasyon para sa launching ng Starstruck V.

Sa SM Cebu Event Center, makiki-party ang for-mer StarStruck graduates na sina Ryza Cenon, Rich Asuncion, Mike Tan, Rai-nier Castillo, Yasmien Kurdi at Arnel Ignacio.

Sina LJ Reyes, Iwa Moto, Jackie Rice, Chariz Solomon, Jan Manual, Chuck Allie, Arci Muñoz at Sunshine Dizon ay makiki-party naman sa SM Davao Event Center.

Nasa SM Iloilo Open Par-king naman sina Mark Herras, Mart Escudero, Prince Estefan, Dex Quindosa at Allan K.

Samantalang itotodo naman nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Paolo Avelino, Pauleen Luna, Glaiza de Castro, Gian Magdangal, Mae Sex Bomb, Dennis Trillo, Harry, Jennica Garcia, Heart Evangelista, Jan Nieto, Chris Cayver, Matteo Guidicelli at Gerald Santos ang pagsalubong sa StarStruck sa Stadia sa Dagupan.

Ito na ang pagkakataon ng mga nangangarap na kabataan na maging sikat na artista. Para sa mga nasa Metro Manila, ngayong Linggo rin ang pila sa GMA Network Drive para kumuha ng application forms kasabay ng mga nabanggit na SM branches.

Source: Taliba