Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, excited sa 'Babae...'

Dingdong, excited sa 'Babae...'

Author: Abante

KAHAPON ang first taping day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ito nga ang ikatlong primetime series na pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at posible rin naman na huli na dahil ba­litang after their third series, malaki ang posibilidad na sa iba naman sila ipareha.

Excited na si Dingdong sa ikatlong series nila ni Marian, dahil kakaibang character daw ang gagampa­nan nila.

Bilang preparation, halos araw-araw raw ang ginagawang pagdyi-gym ni Dingdong.

“Oo eh, kailangan. Nitong mga nakaraang bakasyon, siyempre, medyo na-relax-relax, nag-enjoy naman. So, ang ginagawa ko naman habang hindi pa nagsisimula ang pagte-taping namin ni Marian, puro gym ang ina­atupag ko. Halos araw-araw akong nagdyi-gym,” say ni Dingdong.

Sa Boracay nag-spent ng Holidays si Dingdong kasama ang buong pamilya niya, gayundin ang kaibigang si Paolo Contis. Hindi raw totoong kung si Paolo ay kasama ang napapabalitang ipinalit nito kay Isabel Oli na si Lian Paz, siya naman ay si Marian Rivera sana ang kasama?

“Ay hindi hindi totoo 'yun. In fact, ang alam ko, si Marian, sa bahay naman nila siya sa Cavite nag-spent ng bakasyon niya.

“Pagkakataon na rin kasi niya 'yun na makauwi at siyempre, makasama rin ang kanyang pamilya.

“Ako naman, 'yung pagpunta naman namin sa Boracay with the whole family, 'yun naman ang chance ko para makasama 'yung buong family, makapag-bonding dahil pagbalik nga namin ng Manila, siyempre, puro trabaho naman.”

Naging maganda ang taong 2008 para kay Dingdong lalo na pagdating sa kanyang career. Although, pagdating sa kanyang personal na buhay, medyo nagkaroon ng malaking pagbabago dahil nga sa naganap na break-up niya with Karylle.

Pero sa lahat ng 'yun, last year was really a good year daw for him.

“It was really a good year. I could say na napakara­ming nangyari sa buhay ko, sa career ko. Mga bagay na akala ko hindi ko pa mae-experience, pero, nakuha ko halos last year.

“So, for me, it was really a good year and ngayong 2009, gusto ko lang mag-relax. Ituloy lang kung anuman 'yung nasimulan ko. But of course, I would like to do better this year.

“And hopefully, be able to do more good and quality movies.”

Bukod sa sinisimulang i-tape na bago nilang primetime series sa Kapuso ni Marian, may nakara­ting din sa aming balita na anytime from now, panibagong product endorsement at TVC na naman daw ang ilo-launch ni Dingdong.

Source: Abante