|
|
| Dingdong, excited sa 'E'!![]() Author: Abante NAIPADALA na ng manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan ang lahat ng mga requirements na hiniling ng E! para sa special episode na gagawin ng show for their 25 Sexiest Men in the World, na kung saan ay isa nga si Dingdong sa nakasama sa 25 lists sa buong mundo. Mga video footages ng mga TV commercials, movies, soap-opera, at shows ni Dingdong ang ilan sa mga ipinadala ni Perry. Bukod pa rito ang ilang featured articles niya sa iba't-ibang magazines at mga VTR messages sa ilang mga nakasama ni Dingdong sa kanyang iba't-ibang shows. Ngayon pa lang, excited na nga si Dingdong sa magaganap na paghaharap niya with E! people sa pagpunta niya sa first week of December sa Los Angeles. Kasama pa rin niya si Marian Rivera sa pagpunta ng L.A. dahil sa kanilang Let's Celebrate, Dingdong & Marian show sa Amerika on December 5. “Ang alam ko, naibigay na yata lahat ng hinihingi nilang mga videos and profiles. 'Yung interview, magaganap kapag nagpunta na kami ni Marian sa L.A. for our show. “Isasabay na rin doon, kasi tamang-tama naman, 'yung pinaka-main office yata ng E! sa L.A. talaga. “Manonood din daw ng show namin 'yung mga taga-E! which is, nakaka-excite and something to look forward din,” sabi ni Dingdong. Mismong ang Presidente na raw ng E! Network na si Mr. Brian Potter ang kapalitan ng e-mails ng manager ni Dingdong na si Perry. Nakalagay rin daw sa waiver na pinirmahan nila na they are allowing to show and replay the said episode for 10 years in multiple country. Kaya, bongga ang Dingdong dahil iba't-ibang bansa sa buong mundo talaga siya maaaring mapanood. “Well, it's something you will never dream of, bigla na lang siyang nangyari at 'yung mga ganitong bagay ang puwede mong sabihin na surpresa talaga, para siyang isang regalo,” masayang reaksiyon ni Dingdong. On the other hand, may mga kumpirmasyon na nga sa ilang sources na tulad ni Marian Rivera sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ervic, break na rin talaga si Dingdong sa almost three years girlfriend niyang si Karylle. Ayon pa sa mga balita, ang kumpirmasyon na lang daw talaga na break na talaga sina Dingdong at Karylle ang sabay na aaminin ng dalawa sa sinasabi ni Dingdong na mutual decision nila ni Karylle na sabay magpa-interview. Kung hindi natuloy kahapon ang pag-amin ng dalawa tungkol sa kanilang paghihiwalay, isa sa mga araw na ito raw magaganap ang interbyuhan sa dalawa. Kung si Dingdong lang daw ang masusunod, matagal na raw nitong gustong magsalita tungkol sa kanila ni Karylle. Pero, tila si Karylle daw ang nagiging problema, ayon sa aming source, dahil ilang beses na rin daw nitong pinamu- move ang interview nila? Urung-sulong daw si Karylle sa pagharap sa interview na kasama si Dingdong? Source: Abante |