|
|
| Dingdong fans, hate si Cristine!![]() Author: Abante NEGATIVE agad ang reaction ng karamihan sa mga fans ni Dingdong Dantes dahil sa lumabas na balitang tila ang isa sa pinagpipilian ng GMA-7 na gawing leading lady ni Dingdong sa Stairway to Heaven ay si Cristine Reyes. Pagkalabas nga ng balita ay ilang e-mails na agad ang natanggap namin na nagpapahatid ng kanilang negative reaction kung sakali na si Cristine nga ang kukuhanin ng GMA-7. Isa sa diretsahang tumatanggi ay ang may e-mail address na mayelle.oliva@gmail.com. kunsaan, in bold letters nitong ini-email sa amin na “WTF!” at mag-isip-isip naman daw sana ang network dahil hindi raw bagay si Cristine maging Jodi at baka pati raw ang manonood ay ma-disappoint. At request din nito na sana raw huwag munang tanggapin ng GMA si Cristine dahil daw may kaaway ito sa kabilang network, ngayon ay babalik ng GMA? Hindi pa man, ang bilis na agad ng reaction ng mga fans, at tila hate na hate nila si Cristine para sa kanilang idolo. Eh, kung tutuusin, wala pa rin namang kasiguraduhan kung makakalipat nga si Cristine sa GMA dahil may option to renew ang ABS-CBN sa kontrata niya. Besides, may nakakarating sa amin na possible leading ladies daw na pinagpipilian na ng GMA-7 at kung ikaluluwag ng loob ng mga fans na nagpadala ng kanilang protesta against Cristine, mukhang hindi naman nabanggit si Cristine sa mga female actresses na pinagpipilian ng network para maging leading lady ni Dingdong sa Stairway to Heaven. Source: Abante |