Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong fans, hate si Rhian!

Dingdong fans, hate si Rhian!

Author: Abante

SI Rhian Ramos na nga ang sinasabing magiging kapareha ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven ng GMA 7. At ngayon pa lang, marami na ngang hate e-mails ang natatanggap namin na nagpapahayag na hindi sila pabor kay Rhian bilang leading lady ni Dingdong.

Pakiusap nila, ipaabot sa GMA-7 kung puwedeng mag-isip-isip sila na huwag si Rhian ang kunin. May ibang names ng young actress silang binanggit. At kung sila ang masusunod, gusto nilang si Marian Rivera pa rin ang makapareha ni Dong.

Hindi na kataka-taka ang hate e-mails kay Rhian. Tuwing may bagong project ang young actress, asahan ang pagsusulputan ng mga hate e-mails sa kanya.

Ina-associate kasi na malakas si Rhian sa mana­gement dahil sa kanyang Tita na si Ida Henares, kung kaya't basta nag-audition daw ito, palaging napipili.

Anyway, kahit mara­ming umaayaw kay Rhian sa internet, masasabi na­ming hindi 'yon effective dahil ang mga shows naman na ginagawa niya ay nagri-rate.

Sa Stairway... naman, physically ay nakikitaan na namin ng magandang chemistry sina Rhian at Dingdong. Pareho kasi silang guwapo at maganda, kaya bagay sila.

Incidentally, ngayong Linggo ang actual birthday ni Dingdong. Wala raw siyang party. Kung sino lang daw ang makaalala sa kanya sa mismong araw ng birthday niya at kung anuman ang maisipan nilang gawin, 'yun na lang ang susundin nila.

Source: Abante