Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, gaganap na Cholo sa 'Heaven' Paalam, Tadyang...

Dingdong, gaganap na Cholo sa 'Heaven' Paalam, Tadyang...

Author: Ruel Mendoza

ISANG reliable source ang nagsabi sa amin na ang next project daw ni Dingdong Dantes para sa GMA-7 ay ang sikat na Korean series na Stairway to Heaven. Hindi lang sa Korea sumikat ang naturang serye kundi maging dito sa bansa at nakilala nga at kinakiligan nang husto ang bidang lalaki rito na si Kwon Sang Woo or mas kilala bilang si Cholo sa bansa.
Sey pa niya, talagang kay Dingdong na raw ang role na 'yun kahit noon pa dahil bagay rito na gumanap bilang si Cholo. Bukod pa sa ang packaging talaga sa kanya ay leading man.

Wala pa lang daw kasiguraduhan kung sino nga ang gaganap na leading lady ni Dingdong bagama't may mga Kapuso actress na raw na pinagpipilian.

Pero, ayaw pa itong kumpirmahin ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan. Aniya, wala raw siyang alam tungkol doon, bagama't dati pa ay may mga naririnig na nga raw siya tungol sa adaptation ng Stairway to Heaven.

Well, kung si Marian nga ay si Darna, at si Cholo si Dingdong, wala na nga yatang pag-asa na magsama pang muli ang dalawa sa isang pro- ject sa hinaharap.
***

Ngayong gabi ay isang hindi malilimutang pagtatapos ang mapapanood sa umaatikabong aksyon at drama sa huling gabi ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang sa GMA-7.

Matindi ang naging laban nina Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera) para sa kanilang wagas na pag-iibigan. At sa bawat plano nila na magkasama at magkaroon ng isang tahimik na buhay, andiyan ang mga kon­trabidang sina Rado (Paolo Contis) at Heleen (Angelu de Leon) para sila paghiwalayin o patayin.

Sa kagagawan ni Heleen, mahuhulog si Proserfina at ang kapatid nitong si Ulysses (Mart Escudero) sa building. Pipiliting kumapit ni Proserfina para hindi sila malaglag ng kapatid na nakakapit sa isa niyang kamay.

Makatagal kaya si Proserfina sa pagkakakapit sa kahoy para hindi sila tulu­yang mahulog? At magkaroon pa kaya ng pagkakataong magkasama at magkakilala ang mag-iinang Selena, Proserfina at Ulysses?

Maabutan pa kaya ni Homer na buhay ang minamahal na si Proserfina?
***

Bukas naman ay si- mula na ng “Komiks Presents Mars Ravelo's Nasaan Ka Maruja?” sa ABS-CBN. Kuwento ito ng pag-ibig na kahit oras ay kayang tawirin. Isang kwento ng reincarnation na magpapahiwatig sa isang babaeng nagnga- ngalang Cristy na gagam­panan ni Kristine Hermosa, kasama sina De- rek Ramsay, John Estrada, Karylle, Kitkat, Enchong Dee, Bing Pimen­tel, Menggie Cobarrubias at Ms. Gloria Romero. Mula sa direksyon nina Jerome Po­bocan at Dondon Santos.

Source: Abante