Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, game na game makipaghalikan kay Eugene!

Dingdong, game na game makipaghalikan kay Eugene!

Author: Abante

NATATAWA na lang si Dingdong Dantes du­ring the pictorial for Kimmydora, ang laun­ching movie ni Eugene Domingo with him as the leading man at prodyus ni Piolo Pascual.

Natatawa si Dingdong dahil ang kinukumusta sa kanya ng press ay kung may kissing scene na raw ba sila ni Uge na na-shoot?

“Wala pa! Siguro, pinaghahandaan pa 'yun! Ha! Ha! Ha!

“Well, definitely naman, wholesome 'yan. Pero hindi pa talaga namin alam kung anong mangyayari.”

Excited daw si Uge na magkaroon sila ng kissing scene?

“Naks! Ha! Ha! Ha! Oo ba! Basta siya ang masusunod! Ha! Ha! Ha!” reaksiyon ni Dingdong na tila game na game na makipaghalikan kay Eugene.

On the other hand, kung si Marian Rivera ay nagsisimula na sa pagte-taping ng Darna, on his part naman ba, may alam na ba siyang napili ang network na magiging leading lady niya?

“Wala pa rin. As much as the public wants to know at this point kung sino na, eh, ako rin, hindi ko rin talaga alam kung sino na.”

Kung si Cristine Reyes daw ay matutuloy na lili­pat sa GMA, posible rin daw na ito?

“Ngayon ko lang narinig 'yun. I'm sure the list will grow and grow as long as wala pa rin finality. Pero, naniniwala ako na masusing sinusuri ng GMA 'yan kasi, mabigat ang role talaga. At may mga qualifications talaga 'yan and I'm sure, ginagawa nila 'yun.”

Mas gusto ba niyang may consent din siya kung sino ang magiging leading lady niya?

“Hindi na, nagtitiwala ako sa kanila. The same way na nagtitiwala ako na kinuha nila ako for the role. So, I'm sure, they will find someone who can really fit for the role of Jodi.”

Source: Abante