Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, generous 'Santa Claus'

Dingdong, generous 'Santa Claus'

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SO far, si Dingdong Dantes pa rin ang may hawak ng korona bilang pinaka-generous Santa Claus gift-giver this Christmas season 2008.

Hintayin natin kung mama-match ni Richard Gutierrez and the whole clan of Annabelle Rama ang dami ng mga ipi­namudmod na regalo ni Dingdong.

Sa December 14 pa ang Christmas party for the press ng GMA Network.

At inaabangan na 'yan dahil tiyak daw na tatalbugan nito ang Christmas party for the press ng ABS-CBN.

Katulad ng presscon for Ai Ai delas Alas MMFF entry (Ang Tanging Ina Niyong Lahat), na lukewarm ang reception (dahil sa tipid ang envelopes? naubusan na ba Bong).

Anyway, sa 13th floor naman ginanap ang Christmas party for the press ng ABS-CBN. Kabado nga kami at baka hindi magbukas ang pinto ng elevator, noh! Para bang 'yung horror movie na 13th floor?

Isa rin ang pintas ng mga discontented press na dumalo, invited man o hindi - open city yata ang party, kasi pati mga writers na identified with GMA network, nanduon.

Eh, payat daw ang envelopes ni Bong Sumbong na pinamudmod at pati raffle prizes, eh mura lang daw?

Naku, hindi ba dapat magpasalamat na lang at kahit na mura eh meron sa halip na wala, at dedma na lang ang Pasko? Baka raw naubos na ang budget sa Star Awards, debah?

At any rate (kung magkano man!) ay most-awaited ang Chritmas party for the press ng GMA Network kasi mas pabuloso raw ang mga giveaways dahil madadagdagan daw 'yun sa ipauulang pera at salapi ni Manny Pacquiao.

At tamang-tama naman na nakokolekta na ang box-office returns ng “One True Love” kaya nga nanduon sina Mother Lily ng Regal Films at Wilma Galvante, representing GMA Films na mga magkasosyo sa Dingdong-Marian movie sa Las Vegas, para manood at magbigay supporta kay Pacquiao na sigurado na raw pakyaw na naman ang panalo.

Ang nakaka-proud nga pala, more than any tabloids in the Philippines, bukod-tanging ang Abante (Mo­nica) publications ang may mga reporters na mistulang mga foreign correspondents na, dahil sa dalas ng travels at paglabas ng bansa.

Sa ngayon ay nanduon sina Jojo Gabinete, Joe Barrameda at Jun Lalin to cover the Dela Hoya-Pacquiao friendly fight, bukod pa sa ang mismong sports editor na si Virgie Romano ng Tonite-Abante ay nandoon din, at may TV news reporter in Lhar Santiago naman.

Kung saan-saang bansa nakakarating ang mga reporters ng Abante.

Sinabi ko lang to “stick with me and you'll go pla­ces”, sukat ba namang ultimong si Wendell Alvarez na hindi maiisip ng sinuman na mabibigyan ng US visa, eh nakarating na sa Guam with his 10-year US visa!

Eh, sa bahay ko na lang ultimong driver ko at pamilya niya nakarating na ng Hong Kong at Bangkok, huh!

Sabi ko kasi sa mga kasambahay ko, “habang nandito kayo sa poder ko, nasa langit kayo, lumayas kayo rito at patungo na kayo sa impiyerno!”

Napatunayan naman ninyo na lahat ng mga nakagalit ko, eh pawang “kinuha na ng kalaban ni Lord!”

Wanna try if I am telling the truth?

Well, 19-days na lang at Pasko na. Ang tangi kong problema nowadays ay kung matutuloy kaya ang Christmas party for the children na makakakumpleto ng 9-nights ng Simbang Gabi sa Pampanga - in Santa Cruz, Porac Pampanga in particular. Pinasok nga ang apartment namin at tinangay pati donation box for the children.

God will provide I know. But who will be his representative - Senators Lito Lapid, Jinggoy Estrada and/or Bong Revilla kaya?

Well, let's all wait if God will still bless us this Christmas. Basta manalig lang kayo and He will do the rest, ha! Amen. And amen!

Source: Abante