|
|
| Dingdong, good karma kaya sinusuwerteAuthor: Chan-Chan Torres USAP-USAPAN na ang pagganap ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven bilang si Cholo. Nakakikilig, pero puno rin ng iyakan ang Korean novelang ito. At masaya kami for Dong. Bagong opportunity na naman ito for him, at maging ang mga ma-nonood ay kilig din sa thought na siya ang gaganap na leading man ng madramang Korean no-velang ito. Dahil sa sunud-su-nod na magagandang proyektong naka-line up sa aktor, masasabing isa siya sa mga inaalagaan nang husto ng home studio niyang GMA-7. Komento naman ng ilan, hindi kaya mag-isip ang ibang talents ng Si-yete na mas pinapaboran si Dingdong at siya ang favorite ng network? Well, kung totoo mang paborito siya ng network ay hindi naman kami magtataka. Ipinapakita ni Dingdong that he is deserving of all the breaks that is given to him. In fairness, wala ka-ming naririnig na negative about him sa pakiki-sama niya sa ibang aktor at wala naman kaming nababalitaang naging sakit siya ng ulo sa taping. Ang pagiging good karma nito marahil ang dahilan kung bakit patuloy ang magagandang trabahong dumarating sa kanya. Pagkatapos ng tatlong telenovela, hindi na raw muna makakasama ni Dingdong si Marian Ri-vera sa ilang proyektong gagawin niya at balitang pagpapahingahin daw muna ang tambalan nilang dalawa na naging matapumpay din mula nang magsama sila sa Marimar, Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa tingin namin, mas makabubuti ito, lalo na kay Dingdong, para na rin mag-grow siya as an actor at malay natin, baka mas maging bongga pa ang makakasama ni Dingdong sa darating niyang TV shows. Ngayon, mas may chance silang dalawa ni Marian to work with other actors gaya rin ng ibang established na loveteams diyan. Sana, ganoon din ka-lakas ang maging pagtanggap ng fans sa bagong makakasama ni Marian. Ma-miss kaya ni Dingdong ang kanyang "yummy" 'pag iba na ang kapareha niya? Source: Taliba |