|
|
| Dingdong, gumawa ng video!Author: Abante KAILAN lang ay pumirma ng isang multimedia contract si Dingdong Dantes sa Universal Records. Siya kasi ang kauna-unahang celebrity na maglalabas ng audio visual DVD/CD kunsaan, ang music videos ng actor ang mapapanood. Kumpara sa album ng ibang singers na parang bonus ang MTV, sa kaso ni Dingdong, ang mga kakaibang MTV nito ang bibilhin para makakuha naman ng CD ng mga sikat na kanta ngayon na galing U.R. Ito nga ang pinagkakaabalahan ni Dingdong ngayon. Excited si Dingdong sa project na ito. May nakita na kaming isang MTV niya which is very different sa klase ng mga MTV na ipinapalabas. Bukod pa rito, ang mga director na nag-direct ng kanyang album ay mga kilalang MTV directors. Puwedeng-puwedeng sabihin na multimedia star na nga ang actor dahil pati recording ay meron na rin siya. Well, puwede na ngang ihilera si Dingdong kina Regine, Ogie, at marami pang iba. Source: Abante |