Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, hindi makikipag-live in kay Marian!

Dingdong, hindi makikipag-live in kay Marian!

Author: Abante

TOTOO nga bang pinag-uusapan na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kasal?

“Hindi! 'Yun kasi ang isang bagay na kung sakaling mapag-usapan man, kailangan, eh, doon na patungo,” iglap na sagot ni Dingdong.

Pero, si Marian na nga ba ang babaeng dadalhin niya sa altar?

“I honestly hope so,” walang kagatul-gatol na sagot niya.

Gaano na ba katagal ang “love” na meron sila sa isa't-isa?

“It elevates, eh. Kumbaga, sa panahon na magkakilala kami, may initial connection siguro. Pero, habang tumatagal, mas nakikilala namin ang isa't isa. It elevates. Tingin ko, hindi mo makikita at malalaman ang hangganan noon.”

May mga nagsasabi na nagli-live-in na raw sila?

“Ah, hindi! I would like to take the right steps. Sa ngayon, ang first step na ginagawa namin ay to concentrate sa mga trabaho namin which is number 1, 'yung kanyang Darna at sa akin, 'yung gagawin kong Stairway to Heaven.

“So, 'yun ang mga right steps na kailangan naming gawin. Especially after being together for 3 shows, kumbaga, para sa amin, isang bonus na 'yun kaya nagpapa­salamat kami sa opportunity,” sagot ni Dingdong.

Sa August 2 ay birthday ni Dingdong. So far, wala raw siyang naiisip na party.

Ang mas gusto raw niya ay matuloy ang pinaplano niyang paglu-launch ng charity. At gusto raw niyang nandoon si Marian.

“Gusto ko talaga nandoon siya. Kahit sa audience man o maaaring kahit wala man siya sa tabi ko dahil busy siya, gusto ko lang malaman na nandoon siya at meron siyang contribution dahil ito ay para sa kabutihan ng maraming bata.”

Siyanga pala, last Sunday pa lang ni-launch ang The Dingdong Dantes Experience album ni Dingdong. Pero, sabi ng Universal Records, hindi pa man nila niri-release ang album, marami na ang sales inquiry nito, lalo na sa ibang bansa.

Source: Abante