Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, hulog ng langit kay Kris!

Dingdong, hulog ng langit kay Kris!

Author: Abante

Kinumpirma na mismo ni Kris Aquino na si Dingdong Dantes ang magiging spokesperson ng Advocacies of Youth and Students for Noynoy or AYOS NA!

At para kay?Kris, “heaven sent,” daw si Dingdong sa kanila dahil talagang naghahanap daw sila ng young male na magre-represent for Noy.

Nang makausap namin si Dingdong sa ta­ping ng Stairway to Heaven, night before the taping ay kasabay naman niyang nag-shooting si?Marian Rivera para sa plug ni Noynoy for his advocacy sa may Heritage Park.

Pero ano nga ba ang pakiramdam niya especially sa sinabi ni Kris na “heaven sent,” daw siya?

“Nag-uusap kami, nakakatuwa dahil naniniwala sila sa gusto kong mangyari. And the reason why I told them about it is because I know we are align when it comes to this advocacy. Mahirap magsabi ng detalye because magsisimula pa lang ang mga bagay.

“So, until na magkaroon ng konkretong ano, saka na ako magsasalita.

Pero, ang sure, I real­ly would like to gather 'yung interest especially ng mga kabataan. Kung anuman ang agenda, eh, maisabi ko sa kanila,” sabi ni Dingdong.

Siya ba ang main endorser ni Noynoy sa mga young celebrities dahil parang siya ang may label as spokesperson?

“You know, hindi, eh. And I don't think na magkakaroon ng main endor­ser because everything is in the spirit of voluntee­rism.”

Kasama ni Dingdong ang iba pang ABS-CBN talents at tila nadadalas siya to work with them. Isa na rito ang recent commercial niya with Clear bukod pa sa pag-endorse kay Noynoy.

Hindi niya napi-feel 'yung network war?

“Wala naman! And sana nga, wala na, 'di ba? Pero ganoon talaga, nagkakaroon.?'Yung sa Clear naman, pangarap ko talaga na maging Clear endorser kasi, ang gagan­da ng commercial nila.”

Wala rin daw problema kay Dingdong kung si Piolo ang nasa center nila ni Jericho Rosales.

“Oo naman! At saka ang alam ko, si Piolo ang original sa Clear.?And ako naman, I have so much res­pect for him.”

Sa isang banda, masaya naman si Dingdong na consistent na mataas ang rating ng?Stairway to Heaven.

Source: Abante