|
|
| Dingdong, inaawitan ni Kris para kay NoynoyAuthor: People's Tonight MAY mas malalim palang dahilan ang pagdalo ni Kris Aquino sa blessing ng PPL Entertainment office, pag-aari ng manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan, nu'ng Miyerkules ng gabi. Ayon sa isang source, ang alam niya, balak kunin ni Kris si Dingdong para makatulong ng kapatid nitong presidentiable na si Sen. Noynoy Aquino sa pakikipag-usap sa mga kabataan. Gaya ng naipangako sa inang si dating Pangulong Cory Aquino, all-out daw ang ibinibigay na suporta ni Kris kay Noynoy. Andiyang ibibenta ang sariling bahay para sa kampanya, aayusin ang pananamit ni Noynoy para maging mas presentable at kung anu-ano pa. Sa true lang, masuwerte si Kris dahil maraming kaibigan sa showbiz na nag-aabot ng suporta't tulong sa kanilang pamilya. Isa na rito si Regal matriarch Lily Monteverde, na nagpa-dinner pa kamakailan para sa kanila. Nariyan din si OctoArts Films big boss Orly Ilacad, na balitang nag-alok na gawing headquarters ni Noynoy ang dating opisina ng OctoArts sa may Panay Ave. , QC. Higit sa lahat, touched na touched daw si Kris sa alok na tulong ng GMA Network. How true na mangiyak-ngiyak pa ito considering nga naman na prized property siya ng karibal na istasyon nitong ABS-CBN 2? IAN F. FARIÑAS Source: People's Tonight |