Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, ininterbyu ng AXN

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Dati sa ibang bansa, kilala na talaga si Dingdong Dantes dahil noong Wednesday, dumating sa bansa ang Singaporean host-model na si Eunice Olsen para interbyuhin siya for AXN.

Tinext namin ang aktor kung para saan ang interview at ang sagot ay "for a show in AXN" at Singaporean host and crew ang nakipagkita sa kanya.

Hindi lang nabanggit ni Dingdong kung kailan ipalalabas ang interview sa kanya at kung aling show ng AXN, pero ibig sabihin nito, lumalawak ang kanyang popularidad.

Nauna rito'y, napili siyang One of the Sexiest Men in the World ng E! Channel at nag-number three pa.

Samantala, may teaser na ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang nila ni Marian Rivera na kung nasunod ang schedule, last December 9, ang first taping day. Sa February 2, 2009 ang premiere nito, kaya hindi na magtatagal ang ipaghihintay ng fans nila.

* * *

Tuwang-tuwa si Diana Zubiri na nakasama sa One Night Only, entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival at sa nasabing pelikula, nakipag-sabayan siyang magpaseksi kina Katrina Halili, Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi.

"Pare-pareho kami ng reaction nang unang mabasa ang script dahil sobrang nakakatawa at 'yun ang makikita ninyo sa movie. May pagka-naughty ang theme, pero nakakatawa kung paano tumakbo ang istorya. Hindi kayo magsisisi 'pag pinanood n'yo ito," assurance ni Diana.

Ginagampanan ni Diana ang role ni Vivian, kaibigan ni Jasmine (Katrina) na gustong maging katulad ng kaibigan. Inamin ni Diana na nagkaroon sila ng competition na hindi naiwasan dahil pareho silang mga babae.

"Hindi mo maiwasan 'yun, pero pagdating sa trabaho at relasyon namin, walang problema. Kasama ko sa GMA sina Katrina at Jennylyn at nakasama ko na rin sina Valerie at Alex, naintindihan namin ang roles namin, enjoy kami at masayang pelikula ito. "

* * *

Masaya ang Christmas Party na binigay sa entertainment press nina MMDA chair Bayani Fernando and wife Marikina City Mayor Marides Fernando.

May games at singing contest sa party at nagparinig din ng ilang kanta si BF kabilang ang bago niyang national anthem na Pitong Gatang na kinanta niya sa Celebrity Duets.

Isinabay sa party ang pagtu-turn over ni BF ng P300,000 sa C. H. I. L. D. Haus, mula sa P1 million napanalunan niya sa CD. Magbibigay din siya ng donation sa Caritas Manila at sa Rudy Fernandez Cancer Foundation.

After Celebrity Duets, ang Metro Manila Film Festival naman ang inaasikaso ni BF at matutuwa ito kung mahigitan this year ang kinita ng mga nakaraang filmfest dahil ang members ng Mowelfund ang ma-kikinabang. Last year, umabot sa P377,305,615. 65 ang total gross ng filmfest, magkano kaya this year?

* * *

Malabong maging "secret lovers" sina JC de Vera at Roxanne Guinoo gaya nang nababalita't naging mag-kaibigan lang talaga sila mula nang magtambal sa Emergency episode ng Shake, Rattle & Roll X.

Si Rhian Ramos, kapa-reha niya sa La Lola ang bukambibig ng actor, 'di raw sila on at 'di rin niya ito nililigawan dahil hindi na uso, pero nagkakaintin-dihan sila at pinasasaya siya nito.

Kapag tinanong daw siya kung ano ang status niya ngayon, "complicated" ang kanyang sagot dahil 'di pa malinaw kung mag-ano sila ni Rhian, altho at one point, parang inamin niyang may MU na sila.

Ang importante naman sa kanila ni Roxanne, naging maganda ang working relationship nila at gugustuhin niyang muli itong maka-trabaho in the future.

Sana raw ganu'n din ang aktres sa kanya at napatunayan nilang kahit magka-iba sila ng network, puwede silang magtrabaho ng maayos at maging magkaibigan.

* * *

Sa Luna Mystika, mai-enchant ni Alguwas (Hero Angeles) si Luna (Heart Evangelista) at uutusan itong dalhin ang kakambal sa kakahuyan. Gugulatin naman ni Kamilo (Mark Herras) si Dexter (Mark Anthony Fernandez).

Itinali ni Donita (Iwa Moto) si Luna para ma-witness niya ang paglabas ni Celestina (Heart). Magsasanib ang kambal at makikita ito ni Donita.

Source: People's Tonight