|
|
| Dingdong, iniwan ang 'SOP'Author: Nitz Miralles MARIIN at malakas na "no way" ang reaction ng isang talent manager nang marinig na inili-link ang pretty and talented young female talent niya sa isang controversial young actor. Sa harap ng press, pinayuhan niya ang bagets na iwasang ma-in love sa actor, dahil walang mangyayari sa kanya at sa kanyang career. Ayaw ng talent manager na makasama ang young actress sa listahan ng mga "ex" ng actor na nakatikim ng physical abuse mula rito. Hindi lang pala sobrang seloso ang actor, magaan din ang kamay at nananakit. Hindi lumabas sa press ang pananakit ng actor sa mga nakakarelasyon, dahil walang nagsalita sa kanyang mga dating nobya. Itong huling GF lang niya ang unti-unting nag-o-open up sa real reason ng kanilang break-up. Nakahinga ng maluwag ang talent manager nang sabihin ng bagets na hindi nanliligaw sa kanya ang actor at pati siya'y nagugulat sa tsismis. Ganu'npaman, pinag-iingat pa rin ang bagets ng kanyang manager sa actor. * * * NAG-ENJOY si Dingdong Dantes sa two weeks straight na puro beach scene ang kinunan sa kanila ni Marian Rivera sa Dyesebel. Nagkaroon siya ng time na magpaitim, kaya lang, sandali lang 'yun at agad namumula ang kanyang balat at pumuputi uli. Masaya si Dingdong sa positive na resulta ng pilot at second weeks ng Dyesebel and at the same time, napi-pressure at kailangang laging maganda ang acting nila ni Marian para matuwa ang fans. Gaya ni Marian, sunud-sunod din ang dating ng offers kay Dingdong to endorse a product. Isa rito ang Mario 'D Borro nila ni Angelica Panganiban at sa pictorial nila para sa brand ng sapatos, na-starstruck siya sa actress. "Nakikita ko na siya dati, pero iba 'pag kaharap at kasama mo siyang nagsu-shoot. Na-starstruck ako," sabi nito. Bukod sa sapatos, may isa pang endorsement si Dingdong na bawal pang sabihin. Isang sikat na actress ang kasama niyang endorser na bawal ding tukuyin at kahit magbigay ng clue ay 'di pa puwede at may mga inaayos pang problema. Hindi na pala lumalabas sa SOP si Dingdong, except for special promo, gaya ng launching ng Dyesebel. Nababawan kami sa rason nitong "para may buhay naman ako" at "kailangan ko ng time for my family. " Ang tagal na niya sa Sunday show ng GMA-7 bago naisip na magkaroon ng buhay 'pag Sunday. Wala kayang kinalaman dito ang hindi na rin pagsipot ni Richard Gutierrez sa nasabing show? * * * BIG challenge kay Dennis Trillo ang role niya sa Magdusa Ka, dahil sa movie version, si Christopher de Leon ang gumanap sa papel ni Rod. Alam din nitong makukumpara ang acting niya sa actor, kaya ginagalingan niya ang acting. Sa Magdusa Ka lang uli kinakitaan ng excitement si Dennis sa isang role at tuwing matatapos kunan ni Direk Maryo J. delos Reyes ang mga eksena, tumatawag sa manager niyang si Popoy Caritativo para ibalita kung gaano kaganda ang kanyang mga ginawa. Gandang-ganda ito sa kanyang role na barumbado, pero hindi kontrabida. Gusto rin niya ang script at direction ni Maryo, kaya nang patakbuhin nang walang damit, agad sumunod. Na-meet ang expectation niya for a TV drama ng Magdusa Ka, kaya masayang nagtatrabaho. Sa May 12 ang pilot ng bagong Sinenovela ng GMA-7 at tamang-tamang birthday ni Dennis. In fact, may big celebration siya sa Sunday sa SOP at sa Showbiz Central. May birthday treat din siya sa loyal fans sa gabi. * * * NGAYONG Huwebes sa Dyesebel, ipagtatanggol ni Erebus (Alfred Vargas) si Dyesebel kay Reyna Dyangga, kaya bababa ang kanyang sentensya. Kakausapin ni Banak (Lotlot de Leon) si Dyesebel na kalimutan na si Fredo (Dingdong Dantes). Malalaman ni Dyesebel ang lihim ng kanyang pagkatao...na dating reyna ang kanyang ina at nasa lupa na. Magde-decide itong pumanhik sa lupa para sundan si Fredo at hanapin ang ina. Dahil hindi na nakita si Dyesebel, inisip ni Fredo na imahinasyon lang niya ang sirena. * * * GUESTS sa What I Did for Love episode ng Moms today sina Regine Tolentino, Pia Magalona at Ces Quesada. Ise-share ng tatlo kung paano sila nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak. Hosted by Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes, ang Moms ay napapanood sa Q-11, 5 p. m. , Monday to Friday. * * * HINDI matapus-tapos ang aming pasasalamat sa mga patuloy na tumutulong sa amin. Thank you kay Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista & family, Thatess Gana, Aster Amoyo, Becky Aguila, Angel Locsin, Empress Shuck, Dingdong Dantes, Popoy Caritativo, Dennis Trillo, Dongyanatics, Sweet Lavender, Julie Bonifacio, Vinia Vivar, LJ Reyes, Valerie Concepcion, Erwin Santiago at Rommel Llanes of PEP, Willie Revillame at GMA Films. Source: People's Tonight |