Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, itsa-puwera sa poster ni Eugene!

Dingdong, itsa-puwera sa poster ni Eugene!

Author: Abante

WALA ang mukha ni Dingdong Dantes sa poster ng Kimy Dora: Kambal sa kiyeme, na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Ang intriga tuloy, `yun daw siguro ang dahilan kung bakit hindi dumalo si Dingdong sa presscon ng pelikula nila ni Eugene.

“Napanood ba nila ang trailer? Lalo na kung mapapanood n'yo 'yung buong movie, maiintindihan n'yo kung bakit ganu'n 'yung poster. Siyempre, ayoko namang i-pre-empt,” bungad na paliwanag ni Dingdong nu'ng makatsikahan namin.

Anyway, si direk Joyce Bernal na mismo ang nagsabi ng reason kung bakit hindi nakarating si Dingdong sa presscon. May workshop daw kasi si Dingdong para sa Stairway to heaven.

Sobrang busy na nga ngayon ni Dingdong. Magsisimula na ang taping nila ng Stairway, dahil first week of September na raw ang airing nito.

May special din siyang ipapalabas sa SNBO sa August 30, na kung saan isa itong docu-musical na tatagal ng 2 oras, at isa sa magiging special guest niya ay si Marian Rivera.

Magsisilbing post-birthday special pa rin 'yun ni Dingdong at announcement na rin ng dalawang bagay na pinagkakaabalahan niyang gawin ngayon. 'Yung isa rito ay ang ilo-launch niyang foundation at 'yung isa, mas gusto raw niyang sa mismong gabi na idetalye dahil surprise raw niya 'yun sa kanyang mga fans.

Natuwa naman si Dingdong dahil kahit sa ETC lang napapanood at sa may mga cable channels lang ito nakikita, marami pa rin ang nakapanood sa kauna-una­hang pagkakataong ipinalabas sa bansa last Sunday ang 25 Sexiest Men in the World ng E!

“Ang daming nag-text sa akin, na natuwa sila hindi lang para sa akin, kundi more so, for the Philippines na isa ang country natin among the 25 na nakasama sa list. It was really a privilege more on my part,” say ni Dingdong.

Source: Abante