Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong kailangan ng bagong leading lady

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Sinopresa si Dingdong Dantes sa SOP last Sunday sa pag-anunsiyo na siya na nga ang gaganap na bida sa Filipino version ng Koreanovela na Stairway To Heaven.

At lalo siyang nasopresa na may naghihintay na palang isang prescon para sa kanya pagkatapos ng SOP!

Sa July pa sila magsisi-mulang mag-taping para sa Stairway.

In the meantime maghahanap pa ang GMA ng magiging bagong leading lady niya.

Nababanggit ang pa-ngalan ni Jennylyn Mercado pero hindi namin ma-feel ang chemistry nila sa ngayon.

May nagsa-suggest naman na bagay silang dalawa ni Heart Evangelista na magkapareha.

Pero baka raw hindi pumayag si Tita Annabelle Rama dahil kakumpetensiya niya ang anak nitong si Richard Gutierrez.

Anyway, hindi available si Heart dahil magsisimula na ang Ngayon At Kailanman nila ni JC de Vera.

May nagbanggit din ng pangalan ni Antoinette Taus.

Pero ayaw nang makapareha ni Dingdong ang ex-GF niya kasi sa States na raw ito naka-based.

Again, pinabulaan ni Dingdong na may anak silang dalawa ni Toni at 'yung video nilang kumakalat na dalawa ay super-luma na raw 'yun.

Ang ideal talaga sa amin ay magdiskubre ang GMA-7 ng bagong leading lady para kay Dingdong tulad nang madalas nilang ginagawa kay Richard tuwing may bago itong telenovela.

Dingdong really needs a fresh screen partner kasi naumay na ang mga tao sa tatlong sunud-sunod na pagtatambal nilang dalawa ni Marian Rivera sa teleserye.

* * *

Ngayong magkahiwalay nang teleserye ang gagawin nila ni Marian ay marami ang nagsasabi na okey lang kung maging open na sila sa public sa tunay na relasyon nila sa isa't isa.

Pero isang nakakalokang ngiti lang ang isinukli sa amin ni Dingdong.

"Kung ano man 'yung relasyon meron kami ni Marian, I would like it to remain private," maiksi pero makahulugan ni-yang pahayag.

Kinumusta rin namin sa kanya ang mga napapabalitang gagawin ni-yang pelikula tulad ng Kimidora with Eugene Domi-ngo na ipo-produce ni Piolo Pascual.

At 'yung kontrobersyal na Zuma.

Mukha yatang nagkaroon siya ng hesitancy na gawin ang Kimidora pagkatapos na ikuwento sa kanya ng press na hindi naman lalabas si Piolo sa movie, kungdi ipo-produce lang ito ng aktor.

Umaasa pa naman si-yang magkakasama sila sa movie ni Piolo na naging close niya nang magkasabay silang nag-promote ng Ponds.

Pagdating naman sa Zuma, hindi naman pala si Zuma mismo ang ga-gampanan niya dahil bawal sa kanya ang magpakalbo dahil gagawin nga niya ang Stairway.

'Yung character na archeologist daw ang role na gagampanan niya sa Zuma.

Wala rin siyang alam na ibabalik pala ang Starstruck sa September.

Wala pa raw kasi siyang formal offer na natatanggap mula sa GMA na iho-host niya ulit ang naturang reality search.

"Mas maganda siguro kung i-offer na lang nila ang hosting job sa Starstruck sa iba. Maganda 'yung magbigay naman tayo ng chance sa iba para mag-host ng show. Kasi magiging busy rin ako sa Stairway at baka hindi ko na ito maasikaso," katwiran ni Dingdong.

Anyway, we also think Dingdong is a much bigger star now para mag-host ng Starstruck.

Hindi tulad five years ago kung kailan siya unang nag-host nito noong batch nina Jennilyn at Mark Herras.

Source: Taliba