Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, kakaiba ang V-gift kay Marian!

Dingdong, kakaiba ang V-gift kay Marian!

Author: Abante

KAKAIBA ang Va-lentine's gift ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera.

Kuwento ni Marian, kumot daw ang ibinigay sa kanya ni Dingdong nu'ng Feb. 14.

“Kumot siya na puwede kong magamit sa taping at sa shooting,” say ni Marian.

Anyway, natuloy ang Valentine's dinner nila sa mismong bahay ni Dingdong. Pero bukod sa kanilang dalawa ay kasama rin nila ang iba pang cast ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Siyanga pala, idinepensa ni Marian ang primetime series nilang Tadyang, dahil may mga nagsasabing mababa ang rating na nakukuha nito kumpara sa dalawang serye nilang nauna.

“Gusto ko lang sabihin na kami naman ni Dingdong at kahit ni direk Joyce Bernal, hindi namin iniisip na kailangan number one kami. Ang importante sa amin ay nagagawa namin ng maayos ang aming trabaho. Masaya rin ako dahil marami ang tumatawag sa akin nga-yon bilang Proserfina. Ibig sabihin, napapanood at nasusu-bayba- yan nila ang Tadyang tulad noong Marimar at Dyesebel.”

May nakapag-inform naman sa amin na sa tagal pa ng itatakbo ng serye, siguradong mas maiintindihan at mas mamamahalin pa raw, especially ang character ni Marian, bilang Proserfina. May ginagawa na rin daw ang management para kahit paano, 'yung ilang audience mula sa mga bata ay mapanood pa rin ang series.

“Para sa akin, importante rin na napapaligaya namin ang mga sumusubaybay ng soap namin. Marami naman akong natatanggap na feedback na nagugustuhan nila at naaliw sila sa mga characters namin ni Dingdong, na bago para sa kanila.”

Nakatakdang gawin ni Marian ang isang pelikula mula sa Regal Films.

Hindi raw niya alam kung si Dingdong pa rin ang makakatambal niya.

Aware rin si Marian na may offer si Direk Carlo J. Caparas na pagsamahin sila ni Dingdong sa movie.

“Palagi ko namang sinasabi na kahit sino ang ipareha sa akin, walang problema. Kung si Dingdong pa rin, siyempre, sobrang okey sa akin dahil sobrang kumportable na kami sa isa't-isa.”

Source: Abante