Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong laging nakaabang kay Marian

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

WALA na talagang maka-pipigil sa pagmamahalan ni-na Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Balitang laging sinusundo si Marian ni Dingdong sa set ng Show Me Da Manny kahit past midnight na natatapos si Darna sa taping ng naturang sitcom.

Ayon sa aming source, madalas ay madaling-araw na nakauuwi si Marian mu-la sa taping ng sitcom nila ni Manny Pacquiao.

Maaga pa nga raw ito dahil talagang inuuna ang mga eksena ni Marian sa Show Me Da Manny dahil nga sa usapang hindi dapat lalampas sa midnight ang pag-uwi niya dahil may isa pa nga naman siyang show na iti-taping the next day, ang Darna.

Tuwing uuwi si Marian, sabi ng aming source , laging nakaabang na si Dingdong sa parking area ng Studio 6.

Paglilinaw ng aming source, never naman daw nagbabantay si Dingdong sa set ng Show Me Da Manny.

Dingdong makes it a point na huwag maistorbo si Ma-rian kanyang pagtatrabaho.

Feeling ng nakakakita sa pagsundu-sundo ni Dingdong kay Marian, talagang love na love daw ng hunk actor si Darna.

Gayundin naman si Ma-rian kay Dingdong.

Ibang-iba raw kasi ang sigla ni Marian kapag nagti-text na si Dingdong na naghihintay na ito sa parking area ng Studio 6.

Parang magkakatotoo ang hula ng tarot card reader kay Marian na si Dingdong na ang lalaking pakakasalan niya.

Speaking of the movie Tarot ng Regal Films, starring Marian at Dennis Trillo, balitang malakas ito sa takilya.

* * *

PALABAS na ngayon ang Kimmy Dora, launching movie ni Eugene Domingo at leading man si Dingdong Dantes.

Hindi kayo manghihina-yang na magbayad dahil mai-entertain kayo nang husto sa samu't saring kakenko-yan ni Eugene.

Sa premiere night nito sa SM Megamall Cinema 10 kamakailan ay pinilahan din ito nang husto. Dumating ang cast ng pelikula headed by Eugene, Dingdong Dan-tes, Ariel Ureta, Miriam Quiambao at iba pa.

Present din ang TV exe-cutive ng GMA-7 na si Wilma Galvante at Solar Films big boss Wilson Tieng. * * *

HINDI pa rin paghihiwala-yin ang dalawang higanteng tagapayo ng pag-ibig on air na sina Mr. Cariñoso at Mr. Shuvaker sa telephone callers ng Cool Center this Saturday night sa GMA-7, hosted nina Anjo Yllana at Eugene Domingo.

Hit ang dalawang love guru on air kaya ayaw bitiwan ng mga nanonood ng Cool Center.

Hind raw mag-aaway ang dalawa, magpapalitan lang ng kuru-kuro sa pag-ibig.

Abangan din ang celebrity na magbibigay ng gamit para sa unang makakatawag na viewer.

* * *

MULI na namang umikot sa iba't ibang panig ng mundo si Joey de Leon sa Joey's Quirky World para magbigay ng impormasyon sa mga kinagagawian sa ibang panig ng mundo.

Kasama ni Joey sina Ryan Yllana bilang si Vicky Bola, with 'triplets' Pekto, John Feir at Boobay.

Source: Taliba