Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, lalong magpapainit

Dingdong, lalong magpapainit

Author: Abante

MAKIKITA na sa Guadalupe, EDSA ang billboard ng Bench Body summer campaign ni Dingdong Dantes.

Si Dingdong ang nag­hudyat ng unveiling nito noong Linggo.

“It's a sort of celebration ng more or less, first year ko sa Bench family. It's also on the same exact spot kung saan ako ni-launch dati and at the same time, it signifies the arrival of summer.

“Kumbaga, nandito na talaga ang tag-init!” nakangiting sambit ni Dingdong.

Hindi kaya marami na naman ang mag-init sa kanyang bagong sexy billboards?

“Well, ako naman, ni­rerespeto ko kung ano ang tingin nila, pero ako, naniniwala ako na bago itayo 'yan, dumaraan 'yan ng isang proseso and I'm not part of the process.

“I'm the model of this brand and these things are beyond my control.

“Noong ginawa ko 'yun, my intentions are good. I have clean intention and I believe na it was done with taste and nothing to be ashamed of.”

Hanggang saan nga ba ang kaya niyang gawing pagpapaseksi?

“Mahirap lagyan ng limitasyon ang mga ginagawa mo. Dapat kasi, just get it on!” natatawa niyang sabi.

May balitang nakara­ting sa amin na posibleng end of April ang last taping day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Posibleng last team-up nila ito ni Marian sa telebisyon. May alam na ba siyang dapat abangan sa next projects niya?

“No idea, eh... no idea talaga. Mas gusto kong masurpresa rin ako,” nakangiti niyang sabi.

Bagong kapareha this time?

“Syempre, hindi ko pa alam. Kasi 'yung mga ganyang bagay, hindi mo malalaman hangga't nandiyan na.”

Nakakarating na ba sa kanya na tila isa rin siya sa kinokonsidera namaging leading man ng baguhang si Carla Abellana for Rosalinda? If ever, okey ba sa kanya?

“Sabi rin... siguro, I'm part of the list na tinitingnan nila kung puwede ba, pero I really don't know. Kung sa akin, why not, pero I believe it's a best chance and opportunity rin siguro for the role to be given to others kung hindi man talaga para sa akin.”

Source: Abante