|
|
| Dingdong, magpapagawa ng school sa Pasig![]() Author: Rey Pumaloy Sa halip na mainis sa lumalabas na love triangle nila nina Marian Rivera at Rhian Ramos, aliw na aliw pa si Dingdong Dantes. Natutuwa si Dingdong sa mga tanong sa kanya ng press tungkol sa kanilang dalawa ni Rhian, pati na rin kay Marian Rivera. Positibo ang tingin ni Dingdong sa tsismis tungkol sa kanila ni Rhian, dahil nagiging effective raw ang team-up nila ni Rhian sa Stairway To Heaven. Naaliw si Dingdong na parang napa-puzzle ang press sa posiblidad na magkakagustuhan sila ni Rhian, samantalang wala raw talaga sa isip niya ang ligawan ang kapareha. Minsan pang sinigurado ni Dingdong na secured sa puso niya si Marian at kailanman ay hindi ito dapat ma-insecure sa kahit na sinong babae. Bilang patunay ni Dingdong, sinabi sa amin ni Dingdong na may isang araw siyang inilalaan para sa kanilang dalawa ni Marian. Anya, hangga't maaari ay hindi siya tumatanggap ng kahit na anong commitment tuwing Lingo para lang makasama niya si Marian. Ang Sunday raw ang pinaka-neutral na araw sa napaka-hectic na showbiz schedule nila ni Marian. At kahit daw pareho silang busy ni Marian, importante pa rin sa kanila ang magkaroon ng isang araw na magkasama silang dalawa. Samantala, nakapili na si Dingdong ng eskuwelahang para sa kanyang rebuilding project. Sa tatlong litratong ipinakita sa kanya, ang napili niya ay ang isang school sa Pasig. Kung hindi isa sa mga araw na ito, malamang next week daw dadalawin ni Dingdong ang nasabing school para i-check ang damage nito. Uumpisahan daw muna ni Dingdong at ng mga kasama niyang volunteers na ayusin ang isang classroom at pagkatapos ay isusunod pa nila ang iba. Gusto ni Dingdong na ilipat ang library sa 2nd floor para maprotektahan ito sa posibilidad na maulit uli ang pagbaha sa naturang lugar. Sa tantiya ni Dingdong, aabot sa P300 thousand ang halaga ng pagpapaayos niya sa ilang classrooms sa napiling school. Namayagpag ang Kapamilya Network sa katatapos lang na Catholic Mass Media Awards (CMMA), na kung saan nag-uwi ito ng labing isang karangalan kabilang na ang dalawang Hall of Fame awards. Nakuha ng ABS-CBN ang mga parangal sa telebisyon tulad ng Best Drama Series na “May Bukas Pa” at “Tayong Dalawa.” Nanalong Best News Magazine ang “Wonder Mom”; Best Special Event Coverage ang “Kidnap”; Best Business News or Feature program ang programa ng ANC na “Start Up”; Best TV Special ang “Kwento ng mga Peligrino”; at Best News Program ang TV Patrol Northern Luzon ng ABS-CBN Baguio. Sa radyo, nagwagi ang DZMM ng maraming awards para sa kanilang programa at patalastas tulad ng “MMK sa DZMM” para sa Best Drama Program; “Radyo Patrol Balita Alas Syete” para sa Best News Program, “Pasada Sais Trenta” para sa Best News and Commentary Program, “Sikap Pinoy” para sa Best Business News or Feature, at sa Best Radio Ad para sa kanilang values campaign. Pasok naman sa CMMA Hall of Fame ang “Sports Unlimited” nina Dyan Castillejo at Marc Nelson para sa Best Sports Program, at “Radyo Negosyo” ng DZMM para sa Best Radio Business News or Feature. Ito ang unang pagkakataon na nakapag-Hall of Fame ang DZMM. Isang special award naman ang iginawad ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales para “May Bukas Pa” na personal na tinanggap ni Zaijian “Santino” Jaranilla kasama ang mga fathers na nakagayak pang-pari din. Ang CMMA ay isang prestihiyoso at taunang parangal sa larangan ng telebisyon, radyo, at musika na ibinibigay ng simbahang katoliko sa mga natatanging programa o personalidad na nagpamalas at nagtaguyod ng magagandang asal at pagpahalaga gamit ang kani-kanilang midyum. Source: Abante |