Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, mas agresibo sa paghuhubad ngayon!

Dingdong, mas agresibo sa paghuhubad ngayon!

Author: Abante

NGAYONG buwan na ito raw i-a-up ang mga bagong billboards ni Dingdong Dantes para sa kanyang Bench Body. Noong first week of March nag-pictorial si Dingdong for his newest billboards, at ayon sa nakasilip ng pictorial ng aktor, mas sexy, mas agresibo, at mas maganda pa raw ang bagong pictorial ng actor ngayon.

Pinaghirapan din daw ni Dingdong ang naturang pictorial, na kung saan ay araw-araw ito halos nagdyi-gym kahit pa kasabay nito ang pagte-taping niya ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Bukod pa sa gym ay ang pagbawas pa rin niya sa pagkain.

Bukod pa sa kanyang bagong mga Bench billboard, may panibagong project din si Dingdong na ngayong summer din ang out.

This time, ibang medium naman ang gagawin ng aktor na kung saan, siya naman ang magsisimula ng panibagong trend na ito among celebrities.

Ayaw pang ipa-reveal sa amin kung ano itong bagong project na pagkakaabalahan ni Dingdong at posibleng i-out next month. Pero sigurado raw na ikatutuwa at dapat abangan ng kanyang mga fans.

Source: Abante