|
|
| Dingdong, naghahanap ng bagong babae!![]() Author: Abante FINALLY, kahapon ay kinumpirma na nga na si Dingdong Dantes ang gaganap na Pinoy Cholo sa adaptation ng Korean series na Stairway to Heaven. Ang naturang Korean series ang nagtala ng may pinakamataas na nakuhang rating sa primetime in-terms of Korean series. Pareho rin na mga sikat ang mga bida rito na sina Kwon Sang Woo (na siyang gagampanan nga ni Dingdong) at ni Choi Ji Woo. Na-surprise si Dingdong sa naganap na presscon dahil wala itong kaalam-alam na after ng appearance niya sa SOP ay may inihahandang presscon para sa kanya ang GMA-7 management to announce his next project, which is, ang Stairway to Heaven nga. At kung hindi kami nagkakamali, posibleng mag-abot ang Darna ni Marian Rivera at ang Stairway ni Dingdong kapag ipinalabas na ito. So, back-to-back pa rin silang mapapanood ng mga tagahanga nila, 'yun nga lang, hindi na sa isang project at hindi na rin bilang loveteam. Anyway, masayang-masaya naman si Dingdong sa bagong project na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA-7. Bagama't naririnig na raw niya ang tungkol sa Stairway pero, hindi pa raw siya nagkaroon ng chance na mapanood ito. As of presstime, wala pa rin kumpirmadong gaganap na leading lady ni Dingdong sa bagong serye. Hinahanapan pa nga siya ng bagong babae na babagay sa role. At kung sinuman ito, naniniwala kaming dapat ay inosenteng tingnan at magaling umarte. Source: Abante |