Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, nag-iba ang tingin kay Rhian

Author: Nitz Miralles

Biglang nawala si Ogie Alcasid sa S. O. P. kahapon after a few numbers.

'Yun pala'y naaksidente ito, dumugo ang mukha nang matamaan ng dancer ang hawak na microphone na tumama sa kanyang mukha.

Kesa humarap sa audience na namamaga ang mukha, umuwi na lang si Ogie at nagpahinga. Tuloy, si Janno Gibbs na lang ang nag-promote ng anniversary concert ng Small Brothers sa States. Hindi na rin nakapag-promote nang husto si Ogie ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie nila ni Michael V, buti na lang at may two Sundays pa sila to promote sa show at next week ang big promo nila.

* * *

Ginawa kagabi ang red carpet cinema premiere ng Stairway to Heaven sa SM Megamall na dinaluhan ng buong cast ng Pinoy adaptation ng K-novela. Mamaya naman ang grand press launch at sa September 13, ang TV launch sa S. O. P. at sa Sept. 14, ang premiere telecast.

Sa mga nagdududa pa rin na kakayanin ni Rhian Ramos ang role ni Jodi, si Dingdong Dantes na ang nagsasabing kayang-kaya ito ng kanyang kapareha.

"She's very cooperative, seryoso at hindi nagsasalita sa set laging nagbabasa ng script. Masipag siya, nag-iba ang perception ko sa kanya dati," sabi ni Dingdong.

Nagpa-piano si Cholo, ang karakter na gagampanan ni Dingdong at nagkaroon siya ng piano lesson, pero aminadong hindi niya mapi-perfect ang eksena't kailangan ng assistance.

Mataas ang expectation ng viewers sa Stairway to Heaven at umaasa ang GMA-7, cast, staff kasama sina Direk Joyce Bernal at Andoy Ranay na hindi madi-disappoint ang viewers.

* * *

Pa-obvious talaga si Geoff Eigenmann na gusto niya si Carla Abellana, kapareha sa Rosalinda dahil kinolekta at itinago nito ang roses na ginamit ng dalaga sa mga eksenang naglalagay siya ng bulaklak sa tenga. Iniipit kaya ni Geoff sa libro ang naipong roses?

Hindi itinanggi ni Geoff na naghihintayan sila ni Carla after taping, sinasamahan lang daw niya ang kapareha at hindi naman matagal ang kanilang ipinaghihintay. Dinadalaw din niya sa bahay si Carla at du'n niya nakilala ang ex-BF nitong si JC Intal.

Tinatapos din ni Geoff ang Panday na ang alam niya kaya natatagalang matapos dahil sa special effects. Maganda ang role niya sa movie bilang kakampi ni Sen. Bong Revilla.

Samantala sa Rosalinda, makikilala na si Alex Durantes (Jomari Yllana), ang binatang mayaman na kumuha ng litrato ni Rosalinda habang naliligo sa fountain. Sa bahay ni Miserias, makikita ng dalaga sa TV si Fernando Jose (Geoff), tinawag itong kanyang prinsipe at pupuntahan daw niya. May severe mental trauma ang dalaga.

* * *

Present si Megan Young sa launching ni Maja Salvador bilang dagdag na endorser ng Jelly Bean clothing line, kaya 'di totoong sinulot ng huli sa una ang endorsement. Sabi ni Maja kaya siya inilipat sa Jelly Bean from being a Folded & Hung endorser dahil mas bagay sa kanya at sa edad niya ang designs ng Jelly Bean. Nag-promise sa kanya si Ronald Pineda na when she turns 23, ibabalik siya sa F&H.

Anyway, maintriga ang buhay ni Maja ngayon sa pagka-link niya kay Sam Milby, pero itinanggi't 'di rin niya alam kung bakit sila natsismis. Pumalag din si Maja sa paulit-ulit na paglalaglag niya kay Carlo Aquino 'pag nali-link siya sa iba.

Kinausap daw niya ang actor na magpu-focus muna siya sa kanyang career at naintindihan siya nito, pero three months na silang walang communication.

"Walang third party sa amin ni Carlo, naging special din naman siya sa akin, pero trabaho muna ako. Magti-taping ako ng new soap sa ABS-CBN, ang Nagsimula sa Puso with Nikki Gil at Jason Abalos at may Shake, Rattle & Roll X pa ako. Wala siyang kapalit," wika ni Maja.

* * *

Masaya ang cast ng Adik Sa 'Yo na hanggang sa last week ng series, napapatawa nila ang viewers. Laughter ito hanggang sa pagwawakas ng series sa Friday.

Mamaya, pipigilan ni Estrellita ang pagpapakasal nina Ruben (Dennis Trillo) at Karen (Jennica Garcia) dahil mamamatay ang GF 'pag hindi niya hiniwalayan. Kasunod nito, muntik mabagsakan ng ceiling fan si Karen, na-hold-up sila ni Ruben at masasagasaan pa.

Ang totoo, kagagawan lahat ni Liza (Chynna Ortaleza) ang aksidente ni Karen dahil gusto nitong maghiwalay sila ng BF. Inutusan nito ang manghuhula na magsinungaling sa binata.

Padadalhan ni Joana (Jolina Magdangal) ng singing telegram si Carlos (Marvin Agustin), pero matigas pa rin ang lalake at pinadalhan din ng singing telegram si Joana na nang-iinis.

Source: People's Tonight