Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong nagpapahiwatig kay Sunshine?

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

PARA namang hindi kapani-paniwala ang tsikang diumano'y si Sunshine Dizon ang totoong love ni Dingdong Dantes. Nag-umpisa ito sa blind item hanggang napa-ngalanan na sa ibang tabloid.

Ayon sa tsika, panay raw ang padala ni Dingdong ng mga text messages kay Sunshine na nagpapahiwatig na type niya ang dalaga. Deadma lang daw si Sunshine sa mga pahaging at paramdam ni Dingdong. Ayon sa isang malapit sa aktres, worried daw si Sunshine dahil baka raw magalit sa kanya ang fans nina Dingdong at Marian Rivera. Baka raw maakusahan siyang nang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend. Besides, ayaw ni Sunshine na pagselosan siya ni Marian.

Kaibigan lang daw ang turing ni Sunshine kay Dingdong. Nagkasama noon ang dalawa sa isang show ng GMA-7. Wala kaming alam na may pagsasamahang bagong project sina Dingdong at Sunshine, and if ever, masyado namang maaga para sa promotion, huh! May "Stairway to Heaven" pa si Dingdong at may "Tinik sa Dibdib" si Sunshine."

Recently lang ay magkasama sina Dingdong at Marian na namahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Ondoy. Hindi kaya may gusto lang sumira sa relasyon ng dalawa? Bakit at the expense of Sunshine? It's unfair!

Napaiyak sa awa

In her own little way, tumulong din si Kristel Moreno sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Namigay siya ng relief goods sa ilang lugar sa Concepcion, Marikina kasama ang kanyang mommy Anna, mga kapatid at kaibigan. Mula sa sariling pera ni Kristel ang ipinambili nila ng mga pagkain at bottled water na ipinamigay nila.

Napaiyak ang dalaga sa nakita niyang kaawa-awang kalagayan ng mga taong biktima ng baha. Nagtatakbuhan, nag-uunahan ang mga ito sa pag-abot sa i-pinamahagi nilang relief goods. Pasalamat na lang si Kristel na hindi siya naging biktima ng baha at ang kanyang pamilya. Maayos ang kalagayan nila sa condo unit nila somewhere in Panay Avenue, QC. Nasa 6th floor sila.

Talent si Kristel ng Star Magic headed by Mariole Alberto at huli siyang napanood sa "I Love Betty La Fea." Habang naghihintay ng next project, TV guestings muna ang pinagkakaabalahan ni Kristel. Nag-taping siya ng "Sharon" at excited siya dahil first time niyang mag-guest sa show ni Sharon Cuneta who happens to be her idol. Dati raw, pasama-sama lang siya sa manager niya kapag nagpupunta ito sa "Sharon." Noon pa niya pinangarap mag-guest sa show ng megastar, ani Kristel. Nag-sexy dancing siya at mapapanood ito next Sunday (Oct. 18).

May launching movie si Kristel and hopefully by next week ay mag-uumpisa na ang shooting ng "Pitas," indie film na prodyus ng Legalas Entertainment, kasama sina Sid Lucero, Francine Prieto, Rio Locsin at Bembol Roco with Joey Romero at the helm. Mula ito sa script ng Palanca award winner na si Jerry Gracio, who also wrote "Santa Santita" and "Astig."

And more

Tinanong ng talent manager ang alaga niyang aktres kung totoo bang nanliligaw sa kanya ang isang TV host. Umiling daw ang aktres at pabirong sinabi na mag-aasawa na lang siya ng isang tomboy, kesa pumatol sa TV host. Sure ang talent manager na hindi papatulan ng aktres ang TV host dahil knows niya ang type nito sa isang lalaki. Obviously, wala sa TV host ang mga katangiang hinahanap ng aktres. Sorry na lang!... This Saturday sa "Talentadong Pinoy," nagbabalik ang mga contestant na Makhai-acapella group, Little Beyonce-sing & dance-Ivan Lunaria, Marionette Strongman-extreme act, Little Sized Pavarotti-operatic singer, IPM dance group-dancers, Ladder Balancer-balancer.

Source: Tempo