|
|
| Dingdong, naka-gold na!![]() Author: Abante EKSAKTONG isang linggo nang i-release ang MTV album ni Dingdong Dantes from Universal Records ay naawardan na agad ang actor ng Gold Record Awards ng PARI. Ibig sabihin, sa one week nito, nakabenta na agad ng 75,000 units. “Hindi ko ine-expect ito. Kaya nu'ng ibinigay na sa akin, mas na-realize ko na maraming tao ang naniniwala sa akin at dahil doon, dapat lang na mas maging careful ako at hindi gumawa ng mga bagay na kung ano-ano lang.” Nagpapasalamat nga si Dingdong dahil kahit alam daw niyang marami pa rin ang piracy, marami pa rin daw palang taong tumatangkilik ng orihinal. So, posibleng masundan agad ang MTV album niya? “Well, tulad nga nu'ng sinabi ko noon, nang gawin ko itong album, ang daming possibilities na biglang puwede pala. So, hindi ko masasabi kung ano ang kasunod na puwedeng mangyari. Pero siyempre, ang lahat naman ng 'yan, ang Universal Records lang ang makakapagsabi. “Sa ngayon, naka-concentrate muna ako sa The Dingdong Dantes Experience at nagpapasalamat ako sa mga nauna nang sumuporta at gayundin sa mga nagpaplano pang sumuporta.” Bagama't naka-gold record awards na, hinding-hindi raw niya ihahalintulad ang sarili sa mga recording artists. “Mataas ang respeto ko sa kanila. At ako naman, hindi ko puwedeng ikumpara man lang ang sarili ko sa kanila dahil ibang-iba talaga. Hindi naman ako nag-record sa album ko, hindi ako gumawa ng kanta. Binigyang buhay ko lang ang mga kanta.” Source: Abante |