|
|
| Dingdong, nasasaktan para kay MarianAuthor: Rey Pumaloy AMINADO si Dingdong Dantes na si Marian Rivera ang isa sa mga nagpapasigla ng buhay niya ngayon. “Nai-inspire ako sa pagkatao niya,” say ni Dingdong. Pero para kay Dingdong, mas maganda kung sarilinin na lang nila ang kaligayahan na 'yon. Ayaw raw niyang maging isang hot item lang sa mga diyaryo ang kanilang pagsasama. Prangkahan ding sinabi ni Dingdong na sa tinagal-tagal na rin ng pagsasama nila ni Marian, wala pa raw siyang nakikitang negatibo sa pagkatao nito. Katunayan, magkasundo raw talaga sila sa halos lahat ng bagay. “Okey kami. Nagdya-jive kami. She's fun to be with. Masaya kaming pareho pag magkasama, at 'yun ang importante.” Pero, bakit maraming nagsasabi na kesyo masama ang ugali ni Marian? “Always naman 'yan. Kasi, number one, she's in the limelight. Second, she's very frank and most of the time siguro nami-misinterpret siya. Pero, sa totoo lang, napakabait niyang tao.” Ano ba ang masasabi niyang good side ni Marian? “She's true to herself, and true to her feelings. Hindi siya nagkukunwari at lahat ng tao tinatrato niya nang pantay.” Sabi nga ni Dingdong, subok na niya ang pagkatao ni Marian. “Because nakatrabaho ko siya. Alam ko na lahat ng mga sinasabing negative tungkol sa kanya ay walang katotohanan. And I can verify that!” So, naniniwala siyang may demolition team para kay Marian? “Hindi naman! Pero ang sa akin, I believe that you cannot please everybody. Maaring meron siyang mga nakasalamuha, nakatrabaho na hindi siya gusto. Maaaring sila mismo ang umaayaw kay Marian.” Aminado si Dingdong na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa mga naririnig tungkol sa diumano ay masamang ugali ni Marian. “Kasi alam ko namang mali 'yung sinasabi nila. Pero, 'yun ang feelings nila. Ako I can only speak kung ano ang nakikita ko sa kanya, at wala akong naramdamang ganun sa kanya.” Source: Abante |