Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, nasasarapan sa bawal!

Author: Ruel Mendoza

KUNG noon ay hiyang-hiya na ipakita ni Dingdong Dantes ang hubad niyang katawan, ngayon ay todo-pakita na siya sa magandang hubog ng kanyang pangangatawan sa bagong drama series nila ni Marian Rivera na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sa unang episode pa lang ay nagpakita na si Dingdong ng hubad at basa niyang katawan. Panay ang close-up ng kamera sa kanyang matipunong dibdib at pati na mga abdominal muscles niya.

Pero ayon nga kay Dingdong ay nahihiya pa rin daw siyang gawin ang mga eksenang iyon. Kung hindi lang daw kailangan at marami ang tila mabibitin kapag umayaw siya, irereserba pa niya iyon para sa ibang proyekto.

“Iba kasi ang theme ng new soap drama namin ni Marian. Mas matindi ang characters namin dito. Kaya kailangan todo-bigay rin ako sa mga eksena namin. Kung si Marian nga hindi nahihiya, ako itong lalake, ako pa ba ang mahihiya?” nakangiting sabi ni Dong.

Malaki nga ang naging hirap ni Dingdong sa pagpapaganda niya ng kanyang katawan. Marami siyang isinakripisyong mga paborito niyang pagkain para lang ma-achieve niya ang kainggit-inggit na katawan.

“Mahilig akong kumain. I love food kaya isipin na lang nila ang lungkot ko kapag hindi ko na makain ang mga paborito ko. Kasi nga hindi siya swak sa diet ko. Pero paminsan-minsan, nakakapandaya ako! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Minsan lang naman. Minsan kasi hindi mo matiis, 'di ba? Kung ano ang bawal, 'yun ang masarap! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa niya.

Nangyari na ba sa buhay ni Dingdong na sinubukan niya ang kanyang sarili na subukan ang isang bawal na bagay? Pero imbes na magsisi ay nagpa­salamat pa siya?

“Oo naman... may mga ganyan tayong pangyayari sa buhay natin. We know na it's bad for us pero ginawa pa rin natin. There's a saying nga na 'Don't knock it 'til you try it' 'di ba? Paano mo nga naman malalaman na hindi tama kung hindi mo muna subukan.

“May mga bagay na hindi ko na inulit kasi hindi maganda ang resulta. May mga bagay naman na gusto mong ulit-ulitin kasi nasarapan ka! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kung ano 'yon? Huwag na lang! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Secret na lang 'yon. Bad kasi 'yon, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Never do bad things kasi baka ma-addict ka! Mahirap nang iwasan! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi na lang ni Dingdong.

Source: Abante