Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, 'natawa' sa alindog ni Eugene!

Dingdong, 'natawa' sa alindog ni Eugene!

Author: Ruel Mendoza

INAMIN ni Dingdong Dantes na kinabahan siya nang husto sa swimming pool scene nila ni Eugene Domingo sa pelikulang Kimmy Dora: Kambal sa kiyeme.

Kuwento ni Dingdong, nag-workout siya nang husto dahil highlight daw 'yon ng pelikula. Sabi pa ni Dingdong, nagulat at natawa siya nu'ng makita ang alindog ni Uge, na naka-bathing suit lang.

“Nagulat ako sa hitsura niya. Kasi talagang nagpagawa pa siya ng bathing suit for the scene. It's a very funny scene na kailangan mapanood ng marami. Nakakatawa talaga `yung scene na `yon,” pahayag ni Dingdong.

Sabi ni Dingdong, dahil sa pelikula nila ni Eugene ay naging bukas siya sa ideya na pasukin na rin ang comedy. Na-discover daw niya na may comic side din siya. Na kahit hindi raw siya magmukhang katawa-tawa physically ay capable siyang magpatawa kahit normal ang hitsura niya.

Ginawa ngang example ni Dong ang Hollywood actor na si Ryan Reynolds sa pelikulang The Proposal, na hindi raw naging hadlang ang kaguwapuhan nito para maging mahusay na komedyante.

“Iba-iba naman ang mukha ng isang comedian. May nakakatawa ang mukha, ang kilos at minsan nasa pagbitaw ng punchline. Sa Hollywood, maraming guwapong ko­­medyante. May talent talaga sila to make people laugh.

“Yun ang gusto kong matutunan. May sense of humor naman ako, pero hindi kasing wacky or outrageous tulad ng iba.”

Source: Abante