|
|
| Dingdong, no comment kay Karylle![]() Author: Vinia Vivar Dumalaw kami sa set ng Kimmy Dora na pinagbibidahan ni Eugene Domingo last Thursday night, kung saan ang eksenang kinunan ay ang kissing scene nila ng leading man na si Dingdong Dantes. Before the kissing scene, kinakantiyawan si Uge (palayaw ni Eugene) ng press kung kinakabahan ba siya at say niyang pabiro, humanda raw si Dingdong sa kanya. Take one ang kissing scene at actually, sandali lang naman ang itinagal kaya after the take, kinumusta namin si Uge kung ano ang masasabi niya. "Ni hindi ko nga naramdaman, ang bilis. 'Di bale, may take two, take three naman 'yan. Siyempre, maraming anggulo 'yan kaya uulitin pa," natatawang sabi ng komedyana. Ayon kay Uge, pinaghandaan pa niya ang nasabing kissing scene. Nag-toothbrush daw siya nang mabuti, ni hindi na nga siya nag-dinner at panay ang ngata niya ng chewing gum. Ang Kimmy Dora ay first starring role ni Uge at isa si Piolo Pascual sa mga producer. Ipalalabas ito sa September at ngayon pa lang, nagpapasalamat na ang komedyana sa lahat ng malalaking artistang sumuporta sa kanyang pelikula partikular na nga si Dingdong. Marami kasing big stars ang nag-cameo bilang suporta sa first starring role ni Uge. Ilan na rito ay sina Erik Santos, Rufa Mae Quinto, Vhong Navarro at Gabby Eigenmann, among others. Effort kung effort ang komedyana sa movie dahil bukod sa kissing scene with Dong, pumayag din siyang magsuot ng one-piece bathing suit. "Pinatahi talaga, sinukat 'yung katawan ko, pinasadya, itinago ang mga dapat itago, maganda naman, successful. " Nang sabihin daw sa kanya na magsusuot siya ng bathing suit, wala na siyang pag-iinarte pa. "Oo naman, ano ba naman ang ikahihindi ko pa, kasama sa istorya, it's needed. " * * * Nakausap din namin si Dingdong at natatawa na lang siya sa mga komento tungkol sa kanya ni Uge. Sa kanya rin namin nalaman na natuloy pala siya as producer sa movie at hindi lang siya basta artista. Bukod sa nagkasama sina Dingdong at Piolo sa Ponds commercial, si Direk Joyce Bernal ang isa pang connecting person nila dahil pareho nilang kaibigan ang direktor. Naibalita rin ni Dingdong na after ng showing ng Kimmy Dora, next year na ulit siya mapapanood sa big screen kaya pagkakataon na ito ng kanyang mga tagahanga na makita siya since matatagalan pa ang susunod niyang pelikula. "Paghahandaan ko ang lahat ng projects next year, dahil solid lahat 'youn," say niya. May cameo role rin si Christian Bautista sa Kimmy Dora at naitanong namin kay Dong kung kumusta naman ang pagtatagpo nila. As we all know, nali-link ang singer kay Karylle, dating girlfriend ni Dong. "Wala naman kaming problema ni Christian eversince. Nagbatian kami. And okay kami. I don't have any reason to believe na nagkaroon kami ng any issue. " Naitanong din namin sa kanya si Karylle at aniya, wala silang communication at all, kaya wala siyang maiku-comment tungkol sa dalaga. * * * Sa pagpapatuloy ng Komiks Presents Mars Ravelo's Nasaan Ka, Maruja? ngayong Sabado, tutulungan pa rin ni Cristy (Kristine Hermosa) sina Leila (Maja Salvador) at James (Coco Martin) kahit pa may sarili siyang problema. Para kay Cristy, ang pagtulong sa iba ay paraan ng pagpapakita na nalungkot siya sa nangyari kay Helen (Karylle). Sa kabilang dako, ayaw pa ring bitawan ni Ross (Derek Ramsay) si Cristy. Ngunit, maririnig ni Helen na nagsasalita habang tulog si Ross at may balak patayin sina Maruja at Gabriel. Ito ang mag-uudyok kay Helen na bigyan ng babala si Cristy. Pero nang makita ni Cristy si Helen, nahulog ito sa hagdan sa takot. Source: People's Tonight |