Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, no comment sa iringang Karylle-Marian

Author: Nitz Miralles

Mukhang matutuloy na ang pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa GMA Films dahil nakahanap na ng director na kapalit ng nag-resign na si Joey Reyes.

Si Joel Lamangan na ang bagong director ng Save the Best for Last at last Monday nito tinanggap ang project.

Kahapon, nakipag-meeting na siya sa mga producer. Unang na-consider na ipalit kay Direk Joey sina Mac Alejandre at Dominic Zapata.

Tatapusin ni Richard ang taon with two top-rating action series, ang Kamandag at Codename: Asero, at mga pelikulang My Best Friend's Wedding at For the First Time plus maraming endorsements at ang bagong show niyang Full Force Nature.

Sisimulan naman ng actor ang 2009 with a busy schedule at una rito ang second team-up nila ni KC at Valentine's Day presentation at susundan ito ng Pinoy adaptation ng Zorro, his next big TV series.

Husay sa fencing at horseback riding naman ang ipakikita niya rito.

* * *

Crush pala ni Rufa Mae Quinto si Jay-R, nagka-debelopan daw sila sa Desperaradas kahit si Ruffa Gutierrez ang love interest nito.

Si Rufa Mae na rin ang nagsabing malabo silang magkarelasyon dahil may girlfriend ang singer-actor.

Parang naaliw ito kay Jay-R na kanta raw nang kanta sa pelikula.

Touched pala si Rufa Mae sa mga kasamang naki-simpatiya sa kanya nang tanungin ng too personal question sa first presscon ng movie.

Ipinagtanggol siya ni Ruffa at tinext siya ni Iza Calzado. Pinatawad na niya ang reporter na nagtanong sa kanya. Nag-sorry din daw ito sa komedyana.

Tuwang-tuwa ring ibinalita ni Rufa Mae na nangako si Mother Lily na tutulungan siyang mai-promote ang pelikulang Civil Status: Single kahit Viva Films ang co-producer niya rito.

Napaluha ang dalaga sa sobrang tuwa sa gesture ng lady producer, kaya tuluy-tuloy na ang pagiging movie produ ni Rufa Mae.

Parang gusto niyang i-remake ang Working Girls, na kung matutuloy, pangatlong remake na.

* * *

Tama lang na hindi mag-comment si Dingdong Dantes sa conflict between Karylle and Marian Rivera dahil wala siyang kinalaman although siya ang pinagmulan.

May mga nag-text sa actor to get his comment, pero ayaw nitong magsalita.

Mahirap kung sasali siya sa issue ng dalawa at lalong mahirap kung may kakampihan siya, kaya mabuti na 'yung manahimik siya at paghandaan na lang ang taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Umiwas si Marian na ma-interview pa ng press after niyang umiyak sa presscon ng Desperadas 2 at baka kung ano pa ang masabi, kaya umuwi na lang.

Hanggang sa sasakyan, umiiyak ito at napayapa lang after nilang mag-usap ng manager niyang si Popoy Caritativo.

Kahapon, back to normal na si Marian at trabaho na uli ang hinarap.

Dumalo ito sa Christmas party sa U. S. Embassy noong gabi't special request siya at handa na uling humarap sa press.

Sayang lang at 'di natuloy ang presscon ng Shake, Rattle & Roll X mamaya.

* * *

Sunud-sunod ang endorsement ng mga anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy at kadalasan kasama ang ina.

Ang pinakahuling ini-endorse ng kambal ay ang Bioderm Family Germicidal Soap na tiyak tataas ang sales dahil effective endorsers ang tatlo.

Ayaw pag-artistahin nina Carmina at Zoren sina Mavy at Cassy hanggang 'di nakakatapos ng pag-aaral.

Sayang, dahil cute at magaganda ang mga bata at marurunong din sigurong umarte't may dugong artista.

Pero siyempre, their parents know best at sila ang nakakaalam kung ano ang dapat sa kanilang mga anak.

Diretso sa bangko ang kinikikita nina Mavy at Cassy para sa kanilang future.

* * *

NGAYONG Wednesday sa Luna Mystika, sasabihin ni Celestina (Heart Evangelista) na hindi niya mamahalin si Kamilo (Mark Herras) at okey lang sa kanya kung mabulag si Dexter (Mark Anthony Fernandez).

Inumaga sa kakahuyan si Luna (Heart) sa kahihiling sa mga engkanto na tulungang muling makakita si Dexter.

Aalagaan ni Luna si Dexter at dadalhin kay Piryang (Mosang) para ipagamot.

Malalabanan ng dasal ni Piryang ang kapangyarihan ni Kamilo at bahagyang makakakita si Dexter.

Takot naman si Luna na mabuko siya ng binata.

* * *

SA episode ng Moms mamaya na Christmas with the Baby, isi-share nina Carlene Aguilar, Weng Ibarra at Janna Victoria ang kaligayahang nadarama sa first Christmas with their babies.

Napapanood ang Moms sa Q-11, 5 p. m. , Monday to Friday.

Source: People's Tonight