|
|
| Dingdong, pinagbawalang suportahan si Noynoy?![]() Author: Abante INAMIN ni Dingdong Dantes na nagkausap na sila ni Kris Aquino, tungkol sa kandidatura ni Sen. Noynoy Aquino sa 2010. “Nag-uusap naman kami. Pero 'yung sa detalye, wala pa. But the thing is, naniniwala ako at 'yung grupo ko sa advocacy nila,” say ni Dingdong. So, ini-accept na niya? “Naniniwala ako sa advocacy nila. Kumbaga, wala namang inio-offer. It is more of me, believing in them. It is not a product na kinukuha ako as endorser,” sagot ni Dingdong. Teka, hindi kaya magkaroon siya ng problema sa GMA-7 dahil may balita na hangga't maari raw ay hindi muna ia-allow ang mga talents nila na mag-endorse o mangampanya sa sinumang pulitiko? “One thing is for sure, I think that everyone should be involved in making a change, in one thing to make a change. Kumbaga, regardless kung anong industriya ka, kung anong kontrata meron ka. Siguro, pagdating sa detalye like endorsements, depende na lang kung bawal ka talaga. Pero sa dini-discourage, eh, kanya-kanya tayo,” sambit ni Dingdong. Pero, ie-endorse ba niya si Sen. Noynoy? “Kapag sinabi mong endorsement, parang hindi naman siya 'yung parang solid na... I want to say that instead of endorse, I believe in him. Kasi when we say endorsement, para mong sinabi na kinuha ako at binayaran ako. Hindi siya ganoon, eh. It is more of I believe in his advocacy.” Anyway, inamin ni Dingdong na flattered siya sa pagiging vocal ni Kris sa pagsasabing siya ang choice nito at ng pamilya niya, na kahit nu'ng nabubuhay pa si former President Cory Aquino, natutuwa ito na vocal ito sa paghanga niya kay Ninoy Aquino. “I feel very flattered. In fact, even if they didn't say it, I will still support them.” So, makikita ba siya sa mga campaign rally? “Like I've said, those details haven't discussed yet.” Kung sakali, si Noynoy lang ba ang ie-endorse niya? “Marami pa akong ibang kaibigan na tumatakbo na pinapaniwalaan ko rin. And of course, susuportahan ko rin sila dahil kaibigan ko rin sila at pinaniniwalaan ko.” Anyway, masaya si Dingdong na marami ang nagagandahan sa kanyang bookazine from YES Life Stories ng Summit. Source: Abante |