|
|
| Dingdong says falling in love with Marian possibleAuthor: Fidel Jimenez MANILA, Philippines - Nagsimula ng mag-taping sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa balik-tambalan nila sa bagong fantaserye ng Kapuso Network na "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang." Aminin na kaya ng dalawa ang tunay nilang relasyong sa taong ito? Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, iniulat na sa Sta Rosa, Laguna, kinunan ang ilang eksena sa bagong proyekto ng dalawa. Kitang-kita umano ang kasabikan ng dalawa sa kanilang muling pagsasama na posibleng maging huli sa mahabang panahon kaya naman daw ibubuhos na nila ang lahat sa "Ang Babae..." Pero may aminin na nga kaya ang dalawa ngayong 2009? "Wala. Magkaibigan pa rin kaming dalawa," nakangiting tugon ni Marian. Nang tanungin naman si Dingdong kung posibleng mahulog na siya kay Marian, sagot ng binata. "Lahat syempre posible. Hindi naman siya imposible dahil unang-una parati kaming magkasma, ilang taon na kaming magkasama." Inihayag din ng dalawa na masaya sila sa pagsisimula ng taon sa kabila ng mga intrigang kinakaharap nila noong 2008. Katunayan, napaiyak pa si Marian nang pagdudahan na buntis siya at magbigay na "makahulugang" ngiti ang ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle nang tanungin ng host ng isang TV show s tungkol sa kalagayan ng dalaga. "Nakakapagod din po kung i-entertain mo ang negative kaya happy na lang," ayon kay Marian. Sinabi naman ni Dingdong na ang mahalaga ay hindi bumibitiw sa kanilang tambalan ang kanilang mga taga-suporta. "Syempre maraming napagdaan pero masasabi kong fresh start this year. Kung masasabing mas masaya kaysa dati, iba-iba namang level of happiness 'yan. Pero suma-tutal sa lahat ng blessing na natanggap, at mga bagong kaibigan na nakilala, lahat ng realization, I would say na masaya ako sa 2009 dahil sa lahat ng nagyari ng 2008 masama man o mabuti," ayon sa binata. Source: GMANews |