Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong sinuportahan si Marian sa 'SR&RX' preem, Rhian sumipot para kay JC

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Dalawang araw kinunan ang love scene nina Angel Locsin at Piolo Pascual sa Love Me Again dahil iba't ibang anggulo 'yon kinunan ni Direk Rory Quintos.

Iba ang ginawa rito ng director, kaya medyo sumama ang loob na may inalis sa eksena, pero naintindihan niya ang desisyon ng Star Cinema na i-edit ang nasabing eksena.

Bilang proteksyon sa pinaka-daring love scene na ginawa niya, naglagay ng plaster sa dibdib si Angel.

"May proteksyon naman ako dahil ayaw kong makita at magpakita ng boobs. Mas daring itong love scene na ginawa ko at nakakatawa dahil excited ako, pero bigla akong ninerbyos nang sinu-shoot na. Ayon naman kay Direk Rory, ang nag-inspire sa kanya para gandahan ang love scene ng dalawa ay ang magandang pagkakakanta ni Piolo sa theme song ng movie na I Don't Want You to Go.

"Suwerte rin ako because I have beautiful actors with great bodies. Napaka-game rin nila. Ang ganda ng rehistro nila sa screen, kaya nga masama ang loob ko sa na-edit na shots dahil too much daw, but it's a love scene I'm very proud of," pahayag ni Direk Rory.

Excited na si Angel sa next movie niya sa Star Cinema na pagtatambalan nila ni Aga Muhlach. Ang next teleserye naman niya is with Sam Milby.

* * *

Present sa premiere night ng Shake, Rattle & Roll X si Dingdong Dantes bilang suporta sa favorite leading lady niyang si Marian Rivera, na bida sa Nieves episode ng horror trilogy.

Tiyak na nag-enjoy din ang actor sa kalukahan ng actress sa role ng isang engkanto slayer, dahil parang hindi ito umarte at feel na feel yumakap kay Pekto, na gumaganap na asawa niya.

Nagustuhan ni Marian ang script at wala siyang keber kahit ipinalit siya kay Eugene Domingo.

May mga eksenang kinunan na naka-cast pa ang kanang paa nito dahil natapilok, pero hindi makikita sa movie 'yon dahil binura.

Samantala, tuluy-tuloy ang issue kay Marian at ang pinakahuli'y ang isyu sa Davao nang 'di raw ito pumayag na isuot ang t-shirt ng Phoenix petroleum na kanyang in-endorse.

Ang tsika naman sa amin, ang usapan ay sa motorcade lang isusuot ni Marian ang t-shirt, kaso hindi 'yon natuloy, kaya hindi na naisuot ang t-shirt.

Hindi rin daw nag-perform si Marian at in-alibi ang pilay. Ang sabi naman sa amin, nag-perform ito.

Tungkol naman sa controversial wheelchair, ang Phoenix daw ang nag-provide nu'n.

Ano ba talaga ang totoo?

* * *

Dumating din sa premiere night si Rhian Ramos bilang suporta naman sa ka-MU niyang si JC de Vera, na bida sa Emergency episode ng Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment.

Ayaw pa rin nitong aminin kung on na sila, basta masaya raw sila 'pag magkasama at kaya siya enjoy sa taping ng La Lola ay dahil sa actress. "Secret" ang sagot ni JC sa tanong kung ano ang Christmas gift niya kay Rhian.

First SR&R series ito ni JC at mukhang masusundan dahil nakita at narinig nina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo kung paano nagustuhan ng tao ang episode at acting nina JC at Roxanne Guinoo.

Isa rin ito sa pinaka-taxing na episodes sa direksyon ni Mike Tuviera.

Ang magkaroon ng sariling condo unit pala ang Christmas gift na gusto ni JC at pag-iipunan niya ito para matupad.

For investment at dahil nasa edad na siya para magsarili kaya gusto niyang magka-condo unit.

* * *

Sweet-sweetan din sina Kim Chiu at Gerald Anderson na rumampa sa red carpet kasama ang buong cast ng Class Picture episode ng SR&RX.

Ang ganda nilang tingnan sa formal wear nila.

Kasama nila sa episode si Niña Jose. Sayang at hindi namin nakita kung nagbatian sila ni Kim dahil may tsikang pinagseselosan ni Kim si Niña dahil kay Gerald.

Source: People's Tonight