|
|
| Dingdong super-hunk sa launching movie ni EugeneAuthor: Noel Asiñas MAGANDANG balita sa fans ni Manny Pacquiao. Ayon sa Pambansang Kamao, dito na siya sa Pi-lipinas magsisimulang mag-training para sa laban niya sa Puerto Rican boxer na si Cotto na naka-schedule sa November 14. Hindi natuloy ang nau-nang balita na sa Bahamas magte-training si Pacman. Nagpasya na rin siyang huwag munang magpunta sa Amerika para sa mag-training dahil kapag overstaying alien ka pala sa Tate ay mas-yadong malaki ang tax na binabayaran. Kaya tuloy ang taping niya para sa dalawa niyang show sa GMA-7, ang hit sa rating na Show Me Da Manny every Sunday at ang Pinoy Records every Saturday naman. Ngayong Sabado, third episode ng Pinoy Extreme Talent portion sa Pinoy Records. Kakaibang talent ng apat na contestants ang naglalaban-laban. Siyempre hindi rin mawawala ang Celebrity Face Off portion. Kasam ni Manny si Chris Tiu na nagho-host ng Pinoy Records. * * * PINALAKPAKAN nang husto ng press si Eugene Domingo na nakapanood sa launching movie niyang Kimmy Dora sa Shangri-La Cineplex sa Mandaluyong City. Ayon sa katabi naming movie scribe, malaking threat si Eugene Domingo kay Ai Ai delas Alas dahil tiyak na magiging box office ang Kimmy Dora. Walang dull moment sa panonood ng movie at talagang kaaliw si Eugene. Bukod dito ay may sustansiya ang istorya ni Chris Martinez. Tama rin ang timpla ng pagkakadirek ni Bb. Joyce Bernal dahil hindi nakakainis at nakakasawa ang mga eksena. Swak na swak din ang pag-atake ni Direk Joyce sa magkaibang character nina Kimmy at Dora. Bukod kay Eugene, bida talaga si Dingdong Dantes sa pelikula. Simula at katapusan kasi ay nandoon siya at hindi special participation lang. Hunk na hunk din si Dingdong dito, lalo sa mga eksena sa swimming pool. At dahil maganda ang launching movie ni Eugene, hindi kami magtataka na marami ang manonood nito. * * * MAY face off din ang da-lawang magagaling na host ng radio tungkol sa problema sa pag-ibig sa Cool Center nina Anjo Yllana at Eugene Domingo, na sina Mr. Cariñoso at Mr. Shivacker, ang Indian-Pinoy na tina-guriang Love Guru. Pagalingan ang dalawa sa pagpapayo sa problema ng pag-ibig sa telephone callers. Magkikita rin ngayong gabi ang dalawang naghahanap ng pag-ibig na look-alike nina JC de Vera at Carla Abellana. Para sa masuwerteng telephone caller, mapapasakanya ang magarang long sleeve shirt ni Aljur Abrenica. Bukod pa rito, exciting ang portion na "Hubad Na Katotohanan" dahil may isang international model na magtatalop ng kanyang damit habang sumasagot sa mahihirap na katanungan. * * * AYAW pahuli si Joey de Leon ng kanyang nalalaman sa iba't ibang buhay sa abroad. Mag-iikot sa buong mundo si Joey para sa Joey's Quirky World kasama si Vicky Bola at ang triplets na sina Pekto, John Feir at Boobay. Lahat sila'y magku-contribute sa pagpapatawa sa programang ito na mapapanood bago ang Eat Bulaga ngayong Sunday. * * * Hindi pa tapos ang special anniversary offerings ng TV5 at marami pang paparating. Sa Everybody Hapi on Sunday, guguluhin ni Richard Gomez ang buhay-mag-asawa nina Jim at Jenny (John Estrada at Roxanne Guinoo) bilang si Johnny, ang old balikbayan friend ni Jim na binubuyo siyang bumalik sa pagkabuhay-binata. Ano naman kaya ang say ni Jenny (Roxanne Guinoo) rito? Panoorin ang ala-reunion ng dalawang Palibhasa Lalake hunks dahil siguradong puno ng kalokohan at katatawanan ang Everybody Hapi sa Linggo, 6:30 p. m. sa TV5. * * * SA August 30, isang engrandeng grand launch ang ihahandog ng SOP sa pagbabalik ng original reality-based artista search ng GMA Network, ang StarStruck! Mas pinatindi at mas bigatin ang StarStruck V sa pagsisimula nito na nagpasikat sa ilang young stars ngayon. Sa mga interesado, lahat ng kabataang 16-23-years old, babae o lalaki, Filipino citizen at may natatanging talent sa singing, dancing at acting, ay maaaring pumunta sa GMA Network Drive ngayong Linggo simula alas-10 ng umaga para makakuha ng StarStruck application forms. Magkakaroon din ng simultaneous live remote feeds at release of application forms sa SM Cebu, SM Davao, SM Iloilo at Stadia sa Dagupan. Source: Taliba |