Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, swabeng-swabe!

Author: Abante

GUSTUNG-GUSTO ni Dingdong Dantes ang nangyayari sa kanyang career. Sabi nga, swabeng-swabe ang dating.


Aba, parang maituturing na himala na rin ang nangyari kay Dingdong, dahil totoo naman na bago dumating ang MariMar nila ni Marian Rivera ay matamlay na ang kanyang career.


“Turning point talaga ng career ko ang MariMar last year. Before that, medyo nagpapahinga na talaga ako sa career ko.


“At masaya ako na nagtuluy-tuloy ito. Imagine, may Dyesebel kami, at parami nang parami ang mga ini-endorse ko.


“Happy ako na pinili ako na endorser ng Gran Matador. Nakakatuwa dahil sabi nila, bagay raw sa akin ang Gran Matador, dahil disente at responsableng lalake raw ako.


“Eh, kapag endorser ka, lalong nadadagdagan ang credibility mo,” say ni Dingdong.


“Marami akong natutunan sa nangyari sa career ko. I learned that you will learn to appreciate things more if you go through the right process. Hindi `yung too much too soon. I think that I have taken every step that is required to become an actor.


“So I am more appreciative of what I am because I know the struggles. I knew my strengths and weaknesses before,” say na lang ni Dingdong.

Source: Abante