Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong tatanggapin kahit anong role makasama lang sa DARNA

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Super-seksi ang costume ni Marian Rivera as Darna kaya hiningan namin ng reaction si Dingdong Dantes kung okey lang ba siya sa napakaseksing costume ni Marian?

Sa TV lang nakita ni Dingdong si Marian naka-costume na Darna at okey lang daw sa kanya.

Wala raw problema, maganda at seksi naman kasi talaga ang katawan ni Marian

"Hindi ako naasiwa sa suot niyang Darna. Maganda at seksi naman talaga siya. Ang taong dapat mag-react sa hitsura ng costume niya ay walang iba kundi siya rin. Sa akin okey lang at walang problema. 'Yun naman talaga ang suot ni Darna," say ni Dong.

"Sinasabi ko lang sa kanya na mag-robe siya agad para hindi siya matuyuan ng pawis o malamigan. Alam ko na mahirap ang ginagawa niya as Darna kaya I want her to be safe at huwag magkasakit.

"Biniro nga ko nga si Ma-rian na si Darna ay hindi nagkakasakit, kaya hindi siya dapat magpabaya or else nakakahiya naman kung biglang inuubo o sinisipon si Darna," pagbibiro pa ni Dingdong. Nakarating na rin kay Dingdong na may gagawing sitcom si Marian kung saan leading lady siya ni Manny Pacquiao sa GMA-7, titled Show Me The Manny.

"Naibalita nga sa akin at happy ako for Marian kasi nga gusto rin niyang makatrabaho ang Pambansang Kamao. Kahit naman ako, gusto kong maka-sama si Pacman kahit sa isang project, naunahan lang ako ni Marian.

"Kahit sino ay matutuwa kapag si Manny Pacquiao na ang makakasama mo. Idolo ng bayan 'yan and he only deserves the best and Marian is the best leading lady for him," pagmamalaki ni Dngdong.

Gusto rin ni Dong makasama sa Darna.

Kung anong role ay bahala na raw ang management ng Siyete.

* * *

Kahit anong hingi ng paumanhin ang ginawa daw ni Aljur Abrenica sa 'di sinasadyang pagkakasipa kay Baron Geisler sa isang fight scene nila na kinunan sa Bohol ay hindi raw matanggap nito ang paghingi ng sorry.

Katwiran ni Baron ay hindi raw kasi sincere ang paghingi ng sorry ni Aljur at nag-dialoque pa raw ito sa production staff na turuan daw si Aljur na matutong magrespeto sa kapwa actor.

May nakapagbulong na medyo nakainom daw si Baron nang kunan ang fight scene ng dalawa kaya hindi sinasadyang nasipa ito ni Aljur,

Pero may instance din naman daw na nasasaktan ni Baron si Aljur pero balewala ito sa leading man ni Kris Bernal.

May pasa nga raw sa braso si Aljur dahil sa suntok ni Baron na wala naman sa script pero hindi ito inireklamo ng Kapuso actor.

Kaya payo ng Kumareng Mercy, huwag titikim ng alak kapag may eksena, lalo kapag fight scene ang kukunan.

Buti na lang si Direk Maryo J. delos Reyes ang director na siya na ring gumawa ng paraan para magkaayos sina Aljur at Baron

* * *

Nasorpresa talaga si Wilma Doenst sa mga bumisita sa The Sweet Life sa QTV 11, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, last Monday.

Dumating kasi ang mga kaibigan niyang hindi niya inaasahang pupunta para batiin siya sa kanyang kaarawan.

Doon lang namin nalaman na bestfriend din pala ni Wilma si Pamela Barranda ng Dos. Personal itong bumisita sa show para lang siya batiin ng happy birthday si Wilma.

Bukod kay Pamela, may surprise guests din na dumating na talagang ikinagulat ni Wilma.

Ang host na si Lucy Torres Gomez ay nagbigay ng special birthday gift kay Wilma at ayaw niyang i-reveal dahil ite-treasure daw niya ang regalo nito.

Ganoon din ang kasama-han nila sa show na si Lifestyle correspondent Grace Lee.

Ngayong Wednesday sa TSL, may dance tribute ang certified Michael Jackson fans para sa nag-iisang King of Pop.

Sex Bomb Aira Bermu-des at Joshua Zamora will strut to MJ's popular hits at sasamahan sila ni Amy Perez para i-share kung paano nila minahal at inidolo ang tulad ni Michael Jackson.

* * *

Buong akala pala ni Preciuos Lara Quigaman ay regular na ulit siyang mapapanood sa Wowowee.

Pero laking gulat niya nang makatanggap siya ng notice na huwag na munang magreport sa naturang noontime show sa Dos.

Hindi naman ito ikinasama ng loob ng former beauty queen.

Inisip na ganoon daw talaga ang trabaho sa showbiz, kung mayroon, magpasalamat at kung wala, huwag magmukmok.

Maghintay na lang daw dahil may darating din naman daw na offer.

May kinalaman kaya sa pagkakatsugi niya ang panliligaw ni Willie Revillame sa kanya?

"Hindi siya nanliligaw sa akin. In fact wala kaming communication. Ang ka-text niya ay ang mommy ko. Feeling ko nga sila ang magkakatuluyan," birongpahayag ni Precious Lara.

Aminado naman ang former beauty queen na nagde-date sila ni Marco Alcaraz pero itinanggi na sila na ng actor.

Kinumpirma din ito ni Marco nang makausap namin sa presscon ng All My Life kamakailan sa Studio 5 ng GMA-7.

Lagi raw nilang pinag-uusapan ni Precious Lara ang past boyfriend nito at kahit minsan ay hindi naungkat sa kanilang pag-uusap kung pinopormahan siya ni Papa Wil.

Source: Taliba