Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, tinalo sina Piolo at Richard

Author: Abante

PERSONAL na tinanggap ni Dingdong Dantes ang kanyang award bilang Favorite Actor of the Year sa Nickelodeon Kid's Choice Awards Philippines 2008 sa Aliw Theater kamakailan.

“Pangalawa na itong acting award na natanggap ko. Una sa student's award, at ngayon kid's choice.”

Malaking bagay kay Dong na ang pumili sa kanya para maging Favorite Actor of the Year ay mga bata na siyang viewer ng Nickelodeon network.

“Malapit ang kabataan sa akin. Ako, I give much values to my youth. 'Yun ang mga stages, early stages, para malagay ako sa kung ano ang me­ron ako ngayon.

“So, it's really memorable to me that the kids today, they look up to me.

It's my way of giving back to them. Kung ako 'yung mga bata ngayon, ang gusto ko rin ibigay sa kanila is nothing but the best.”

Ang mga nakalaban ni Dingdong sa category na Favorite Actor of the Year na tinalo niya ay sina Richard Gutierrez, Piolo Pascual, Gerald Anderson at John Lloyd Cruz.

“They are really tough contender and we have very res­pectable works that I'm sure, the kids also love. That's why napasama kami rito sa nominees.

Siyempre, nagpapasa­lamat ako na ako ang lumabas,” sey niya.

Source: Abante