Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, tsugi sa 'SSV' dahil sa 'FF'

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Pangalan ni Dingdong Dantes ang naririnig naming papalit kay Richard Gomez na host ng Family Feud.

Kung hanggang November 27 na lang host si Goma, sa December 1, si Dingdong na ang mapapanood na magho-host ng show at mamimigay ng libreng kiss sa contestants.

Wala pang kumpirmasyon dito ang GMA Network, pero mabilis ang balita at agad nakarating sa press.

Naalala tuloy namin ang nabanggit ni Raymond Gutierrez na may bagong host ang StarStruck V.

Ibig bang sabihin, out na si Dingdong bilang host ng SSV dahil sa FF?

Pero, every Sunday lang naman siya magho-host kasama si Carla Abellana ng reality-based artista search at live pa, kaya niya ito.

Hindi masasagasaan ang taping ng Stairway to Heaven ng taping ng FF dahil si Goma mismo ang nagsasabing napakadali ng taping niya, kailangan lang niyang iwanan ito sa kagustuhang makapagsilbi sa mga taga-Ormoc at iba pang sakop ng district 4 ng Leyte.

* * *

Hindi pabor ang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa pag-a-pologize ng actor kay Sarah Geronimo in behalf of the KimGerald fans.

Hindi namin napanood ang pag-a-apologize ni Gerald, pero sabi ng nag-email sa aming si Jan Agosto, mas dapat na si Sarah ang mag-sorry sa kanila dahil sa sama ng loob na ibinigay nito nang hangaring makapareha si Gerald.

Pati sa Viva Films, galit ang KimGerald fans dahil ibinibigay daw kay Sarah ang lahat ng gustuhin. May tampo rin sila sa Star Magic na feeling nila nasa likod ng pag-a-apologize ni Gerald kahit hindi dapat.

Sa galit ng KimGerald fans, for sure ay hindi sila manonood ng Record Breaker concert ni Sarah sa November 7 sa Araneta Coliseum.

Paano kung manood sina Kim at Gerald para ipakitang hindi sila magkakaaway at fans lang nila ang mainit ang dugo sa isa't isa?

* * *

Sa Ikaw Sana, uunahan ni Sofia (Pauleen Luna) si Niña na kahit anong mangyari, 'wag maniniwala kung may ibang magpapakilalang kanyang ina.

Bahay ni Don Ramon ang unang pupuntahan ni Eliza (Jennylyn Mercado), naroon si Michael (Mark Herras) para mag-dinner, pero hindi na na-press ni Eliza ang doorbell dahil pinigilan siya ni Loreta (Maritoni Fernandez).

Habang nag-i-struggle ang dalawang babae, tinawag ni Eliza ang pangalan ni Michael na agad lumabas, pero naipasok na ni Loreta si Eliza sa kotse at 'di makikita ni Michael.

Ayaw mag-start ng kotse ni Loreta at lalapit dito si Michael para mag-usyoso.

* * *

Extended for three weeks ang Kaya Kong Abutin ang Langit, kaya masaya ang lahat ng involved sa series. Dahil mas humaba ang istorya, mas maraming mapapanood lalo na sa major characters nito.

Sa episode mamaya, si Nick (Bobby Andrews) ang nakakita sa kutsilyo, pero sabi nito kay Clarissa (Iza Calzado), hindi 'yon ang hinahanap nitong ebidensya. Tinawagan ng dalaga si Daryl (Wendell Ramos) na may problema ring sarili, kaya hindi nasagot ang tawag.

Dinala sa ospital si Naty (Lani Mercado) dahil sa Sub Ural Haematoma at kailangan nito ng operasyon. Nakikita ni Monina (Pinky Amador) na may problema si Clarissa na 'di niya alam, gusto nang sabihin ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Therese (Isabel Oli).

Source: People's Tonight