Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong, tutol sa pagtu-2 piece ni Marian

Dingdong, tutol sa pagtu-2 piece ni Marian

Author: Abante

AYAW ni Dingdong Dantes na magsuot ng 2-piece lingerie ang girlfriend niyang si Marian Rivera. Sabi ni Dingdong, kung si Marian daw ang nakasama niya sa vampire pictorial shoot ng bookazine niya, hindi niya ito papaga­yang magsuot ng ganu'n.

Pero, aware si Dingdong na may lalabas na sexy pictorial si Marian para sa Rouge Magazine. Hindi pa raw niya ito nakikita, dahil ayaw raw itong ipakita sa kanya ni Marian.

Tinanong na rin namin si Dingdong kung totoo nga bang nagseselos na si Marian kay Rhian Ramos, na kapareha niya sa Stairway To Heaven?

“Wala namang dapat ipagselos,” mabilis na sagot ni Dingdong.

May assurance ba siya na ibinigay kay Marian para hindi talaga ito magselos kay Rhian?

“Mababaw naman magbigay ng assurance na sasabihin ko lang na don't worry. Siguro, mas magandang gawin mo na lang. Sa akin lang, there's nothing to worry about.?Sa tingin ko, nararamdaman niya ang security na 'yon.?Klaro sa lahat na I'm enjoying my job, I'm enjoying what I'm doing and I love my work.?At the end of the day, I love my life,” mariing sabi ni Dong.

Source: Abante