|
|
| Dingdong, ultimate na ang 'love' kay Marian!![]() Author: Rey Pumaloy NGAYON pa lang ay excited na si Dingdong Dantes sa birthday ni Marian Rivera sa August 12. Katunayan, may inihanda na siyang regalo para sa girlfriend. Ayaw lang sabihin ni Dingdong kung ano ang regalo niya kay Marian. Pero, iginiit niya na nasusuot ido. Kumikinang ba ito? “Hindi naman,” sagot ni Dingdong. Sa daliri ba ito isinusuot? “Basta, isinusuot siya.” Sa ibang bansa ba ito manggagaling? “Hindi. Dito lang.” Ilang karats ba ito? “Walang ganun. Hindi nahuhukay sa ilalim ng lupa.” Anyway, kapag si Marian nga ang pinag-uusapan ay kitang-kita talaga ang kaligayahan sa mukha ni Dingdong. Hindi na nga maitago ni Dingdong ang matinding pagmamahal kay Marian. Ano ba ang deskripsyon ni Dingdong sa 'love' na meron sila ni Marian? “Ultimate love! Depende kasi kung anong description ang maisip natin. Pero, for me that's how I can put it. Sa ngayon.” Kailan ba nagsimula 'yang ultimate love na 'yan? “Ngayon lang.” Anyway, inamin ni Dingdong na botong-boto kay Marian ang buong pamilya niya. “Oo. Mahirap sabihin 'yung ganu'n hangga't hindi nanggagaling sa kanila. Maaring may naoobserbahan ako, maaaring may nakikita ako at nararamdaman, pero iba talaga kapag nanggaling sa kanila,” sabi ni Dong, na ang tinutukoy ay ang magagandang komento ng pamilya niya kay Marian. “Ang alam ko, maganda ang trato niya sa pamilya ko, at maganda rin ang trato sa kanya ng pamilya ko. “Sa obserbasyon ko, wala silang ipinapakitang ayaw nila sa kanya,” pangiti-ngiting sambit pa ni Dingdong. Ikinuwento rin ni Dingdong na maalaga si Marian sa kanya. Pero, kahit naman daw sa ibang tao ay maalaga ito. “Sa lahat ng mga taong mahal niya. Lalo na sa mga taong kaibigan niya nu'ng dati pa. Sa akin, 'yung pag-aalaga niya sa akin, bonus na 'yon, at nagpapasalamat ako,” say na lang ni Dingdong. Siyanga pala, mabibili na ang The Dingdong Dantes Experience album niya, na kung saan ay makakabili rin ng special edition na all-in-one, ang book +DVD + CD. Pero ang mismong Universal Records na ang nagsasabing hindi pa man nila niri-release ang album, marami na ang sales inquiry nila rito at sa labas ng bansa. Source: Abante |