|
|
| Dingdong wants to be known as an actorAuthor: GMANews.TV MANILA, Philippines - Bagaman nasisiyahan sa mga natatanggap na papuri bilang isa sa mga sexiest male Pinoy celebrity hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, mas nais pa rin daw ni Dingdong Dantes na makilala bilang isang mahusay na aktor. Sa ginagawang survey ng Philippine Entertainment Portal (PEP), nangunguna si Dingdong sa listahan ng mga itinuturing sexiest male celebrity sa bansa ngayon. Una rito, hinirang din ang binata noong nakaraang buwan bilang third sexiest man in the world ng Hollywood television na E!. "I'm flattered na yun ang tingin nila sa akin. Pero syempre at the end of the day I still like to be known as an actor rather than being tag as such, na yun na lang throughout. Pero sympre maraming salamat pa rin," ayon kay Dingdong. Itinuturing na malaking hakbang sa career ng binata ang pagpapaseksi nitong 2008 kaya marami ang nag-aabang kung ano ang kanyang plano ngayong 2009. "In terms of performance syempre we always want more, gusto natin higitan pa natin ang nagawa in the past. Higitan in the sense na mas pagbubutihan natin," paliwanag niya. "Syempre this coming year sana mas maraming taong ma-inspire, maraming matulungan at mapasaya," idinagdag ng binata. Sisimulan na rin ni Dingdong ang balik tambalan nila ni Marian Rivera para sa bagong fantaserye ng Kapuso Network na "Ang Babaeng Hinugod sa Aking Tadyang." Sa title pa lang daw, asahan na magiging daring at sexy ang karakter nila ni Marian sa naturang project. "Yung konsepto coming from the title itself very ano na, kumbaga magiging curious na ka kung bakit ganun. Kaakibat ng title na 'yon is being sexy," ayon sa aktor. Masaya ring ikinuwento ni Dingdong na makasama nya ang kanyang pamilya ngayong Pasko at mga taong matagal niyang hindi nakausap dahil sa pagiging abala sa kanyang trabaho. At dahil "single" matapos silang magbreak sa kasintahan na si Karylle nag-back to basic daw si Dingdong at nagkaroon ng sapat na oras para makasamuhang muli ang mga mahal sa buhay. - Fidel Jimenez, GMANews.TV Source: GMANews |