Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong-Marian fans, nagpetisyon na wag silang paghiwalayin

Author: Nitz Miralles

Napuno ang inbox namin sa dami ng e-mail ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nagpapatulong iparating sa GMA-7 ang petition nilang 'wag paghiwalayin ang dalawa after Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Nataranta ang fans nang i-announce ng GMA-7 na si Marian ang gaganap sa bagong version ng Darna.

Noong Huwebes ng hapon, pinapunta si Marian sa GMA Network at du'n sinabi sa kanya ang next project at ipinakilala na rin siya sa mg anak ni Mars Ravelo na sina Ruby Austria at Zaldy Ravelo.

Ang hiling ng fans, si Dingdong pa rin ang ipareha sa actress at sa kanya ibigay ang role ni Captain Barbell o kaya'y bigyan ng weekly show ang dalawa.

Hintayin natin ang formal announcement ng network sa makakasama at makakapareha ni Marian, pero noon pa'y sinabi nang paghihiwalayin muna ang dalawa at next year uli pagtatambalin.

Malalaman din kung totoong Narda, at hindi Darna, ang gagamiting title para hindi makumpara si Marian kay Angel.

Dahil sa panibagong blessing na dumating kay Marian, dedma na ang manager nitong si Popoy Caritativo sa bagong bugso ng negative news sa alaga.

Patuloy ang dating ng endorsement offers sa dalaga at any day now, lalabas ang TVC nito ng isang pangsahog sa pagkain.

Ang mga inang nagluluto ang kukumbinsihin ni Marian na gumamit ng naturang produkto.

* * *

Tuloy ang pag-ikot ni Lani Mercado sa Bacoor, Cavite, bilang paghahanda sa pagpasok niya sa pulitika.

Kaya pa ba ng kanyang pamilya ang isa pang politician sa pamilya nila?

"I'm happy that Ina (their eldest daughter) is with us with her husband and baby. Tina-transfer ko ang ibang work ko sa kanya, may turn-over ng responsibilities.

"Kung saan ako may pagkukulang, siya ang gumagawa and she's trained. Binabalanse ko rin ang time ko as a mom, as a environmentalist and as a wife," wika ni Lani.

Sa pagpasok ni Lani sa pelikula, iiwan niya pansamantala ang showbiz at thankful din siyang naiintindihan siya ng mga anak, lalo na sina Bryan at Jolo, na gusto ring magpulitika.

Ang bunsong si Ram ang nakaka-miss sa kanya, na pinupunan niya 'pag may free time siya.

* * *

Kahapon ang first taping day ni Tirso Cruz III sa Only You, kung saan ginagampanan niya ang role ng ama ni Sam Milby.

Sa Tanay residence ni former President Joseph Estrada ang location at palalabasing mansion ng kanilang pamilya.

First time pumayag ni Erap na ipagamit ang bahay niya sa Tanay na ikinagulat ni Pip.

Nagpaalam si Pip sa GMA-7 na magtatrabaho siya sa ABS-CBN at tama namang tapos na siya sa Paano Ba Ang Mangarap?

Isa siya sa mga artistang puwedeng magpalipat-lipat dahil maganda ang relasyon niya sa dalawang networks.

Nababalitang babalik si Nora Aunor para gumawa ng pelikula at may album itong ire-release. Ano ang masasabi niyang active na uli ang superstar?

"Ilang taon nang nawala si Guy and it's about time na bumalik siya. Sayang, marami pa siyang ibibigay sa industry. Payag akong makasama siya, pero kung gagawa kami ng musical, sana mala-Chicago o Moulin Rouge para 'pag napanood, mapapa-wow ang fans," sabi ni Pip.

* * *

Dalawang players ang sasalang sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? at umaasang mananalo ng isang milyon.

Ang unang player ay si Jonathan Banawa, valedictorian sa high school sa Don Bosco Technical Institute at magna cum laude sa B. S Molecular Biology sa UP at ngayon ay assistant bank branch manager.

'Pag nanalo, may pambayad na siya sa housing loan.

Second player si Mari Anne de Leon-Trillana, Red Cross project assistant na dumadayo sa malalayong lugar para tumulong sa kalusugan ng mga tao.

Tapos siya ng B. S. Nutrition sa UP Los Baños. House and lot ang bibilhin niya 'pag napanalunan ang jackpot price.

Sino kaya kina Mari Anne at Jonathan ang susuwertehing mag-uwi ng isang milyon?

Source: People's Tonight