|
|
| Dingdong-Marian, 'honeymoon' sa Singapore at Malaysia?![]() Author: Abante Natuloy na nga ang Oplan Rehabilitation Paaralan ni Dingdong Dantes noong Linggo.?Ang Dr. Sixto Antonio Elementary School in Bambang, Pasig City, ang kauna-unahang eskuwelahan na nilubog dahil sa bagyong Ondoy ang unang ni-restore ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong. Maghapon silang nagkumpuni ng nasirang library ng eskuwelahan, maging ang walkway ng mga estudyante dahil kasalukuyan pa rin itong lubog sa tubig baha and yet, patuloy na pumapasok ang mga bata. Bukod sa pagre-restore ng library sa pamamagitan ng pagkumpuni nito at pagpinta, namahagi rin si Dingdong at ang YPF ng more than 1,000 textbooks from St. Mary's Publishing, mga school supplies from National bookstores at nagbigay rin sila ng computer with an internet access, na napag-alaman namin ay first computer ng eskuwelahan. Advocacy talaga ni Dingdong ang education kaya kahit patuloy pa rin sa pamimigay ng mga relief goods, ang pagre-restore at pagre-rehabilitate naman ng mga eskuwelahan ang pinagtutunan niya ng pansin ngayon. “We know there are hundreds, if not thousands of other schools that need help. And we know we can only do so much. I just hope that, through this small effort, other well-meaning groups will see the wisdom of our direction. We can not let our learning institutions crumble, believing that these are the bedrock of our country's future,” say ni Dingdong. Sa pamamagitan daw ng ginagawa nila, naniniwala siyang marami pang institusyon ang puwedeng sumunod. Anyway, sa halos lahat ng mga projects ni Dingdong, hindi nawawala ang presence ni Marian Rivera.?Tulad na lang ng pagre-restore nila ng school library, along with almost 100 volunteers and members ng YPF, isa si Marian sa nandoon at nagpinta rin ng eskuwelahan. Tuwing tatanungin namin si Dingdong sa kung ano ang role ni Marian sa YPF, mabilis at consistent ang sagot ni Dingdong na si Marian ang inspirasyon ng foundation, not to mention, inspirasyon din niya for sure. Tiyak na matutuwa ang mga Dongyanatics dahil obviously, in real life, matatag na matatag ang relasyon ng dalawa. Bukod pa rito, matagal ding magkakasama sina Dingdong at Marian sa Singapore para sa GMA Pinoy TV at si Dingdong naman for StarStruck 5 audition. Dumiretso sila sa Malaysia noong November 1 para naman sa international launch ng Dyesebel. Magkakaroon sila ng press conference at Shangri-La Hotel, Kuala Lumpur. So for sure, sabay bakasyon na rin ng dalawa ang tour nila na 'yun sa dalawang Asian country. And for sure rin, may magsasabi riyan na honeymoon na rin `yon nina Marian at Dingdong. Honeymoon, kahit walang kasal? Puwede ba `yon? Source: Abante |