Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dingdong-Rhian loveteam mas bagay at may kilig factor

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Ano kaya magiging reaksiyon ni Marian Rivera sa sinabi ni Jean Garcia na mas bagay daw sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos

Si Jean ang lumalabas na stepmother ni Rhian as Jodi sa Stairway To Heaven at sa tuwing makikita raw niya sa taping sina Dong at Rhian ay naalala niya sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa nang gawin nila noon ang Pangako Sa 'Yo.

Sabi pa ni Jean, watch out sa tandem nina Dong at Rhian dahil may chemistry at kilig factor sa viewers kahit pa sabihing girlfriend ni Dingdong si Marian.

Ayon pa sa mother ni Jennica Garcia, kung nauna raw nakapareha ni Dong si Rhian kaysa kay Marian ay mas nakakakilig daw ang tandem nito.

"No offense meant kay Marian pero nag-blend ang personalidad nina Dingdong at Rhian, Both are classy, elegant looking at pang-sos-yal ang dating," say ni Jean.

Nag-suggest pa ang magaling na actress na perfect love triangle sina Dingdong, Marian at Rhian sa isang teleserye.

Sa Monday na mapapanood ang Stairway To Heaven at naikuwento nina Dong at Rhian nang makita raw nila ang response ng mga tao sa gala premiere night ng local version ng STH, saka lang nawala ang pressure sa kanila.

Sa presscon ng STH ay hindi naman nagpaapekto si Dingdong sa mga nagpaparating na pinagselosan daw ni Marian si Rhian.

Bilib nga si Dingdong kay Rhian dahil professional at napakahusay mag-adjust sa role ang mestisang young star.

Madali raw nitong nakuha ang dapat gawin bilang si Jodi na minahal nang wagas ni Cholo, played by Dingdong Dantes.

Wait and see na lang tayo kung makadebelopan sila kapag matagal-tagal na silang magkasama sa taping ng STH.

* * *

Sabay-sabay na magse-celebrate ng kanilang birthday sa SOP this Sunday sina Frencheska Farr, female winner ng The Next Big Star; Regine Tolentino at Akihiro Sato na dadaluhan din ng cast ng Stairway To Heaven sa pangunguna nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos at Jean Garcia.

Sina Yaya at Angelina ay dadalaw din sa SOP at ang masayang farewell ng All My Life nina Aljur Abrenica at Kris Bernal

* * *

Sa presscon ng Laki sa Gatas nutrition advocacy ng Bear Brand, kung saan si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang endorser, ay buong pagmamalaki nitong sinabi na nagkaayos na ang Star Cinema at SM Cinemas kaya showing na sa lahat ng SM Cinema ang In My Life na magkakaroon din ng premiere night sa Lipa Batangas on September 14 at may dalawang premiere din sa September 15, sa Trinoma at sa SM Megamall.

Sa presscon din ng "Laki sa Gatas" ay humingi ng tulong si Ate Vi sa entertainment press na mai-paabot sa mga Pili-pino, partikular sa mga magulang, ang malaking tulong na dulot ng pag-inom ng gatas

"Noon ko pa ito ipina-rarating sa mga magulang na kailangan ng mga bata ang pag-inom ng gatas. Malaking tulong ito sa mga kabataan at malaking tipid din sa mga magulang dahil ang isa o dalawang basong gatas ay katumbas na rin ng masustansiyang pagkain na kailangan para lumaki silang malakas at malusog," pagbibigay-diin ni Ate Vi.

Pagmamalaki ni Ate Vi, pinalaki raw siya sa pag-inom ng gatas, kaya nakagawian na rin niya ito sa kanyang mga anak na sina Luis at Ryan, gayundin ang kanyang mister na si Ralph Recto.

Ang panawagan niyang painumin ng gatas ang mga kabataan ay hindi para igiit ang Bear Brand kungdi kahit na anong brand ng gatas ay puwede, pero, hirit ni Ate Vi, siyempre mas okey kung Bear Brand ang brand na bibilhin.

* * *

Makagagawa ka ba ng higanteng palaruan na may bubong na bukas-sara?

Kaya mo bang abutin ang magkahiwalay na bansa o ang magkahiwalay na tore? Titira ka ba ng ilang buwan sa ilalim ng tubig para makapag-aral? Li-likha ka ba ng planeta sa loob ng ating planeta? At payag ka bang magtulu-ngan para magtayo ng istasyon sa kalawakan?

Iyan ang mga kuwentong ilalahad ni Senator Bong Revilla ngayong Linggo sa Kap's Amazing Stories pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA-7.

Source: Taliba