|
|
| Dingdong-Rhian, super-close na!![]() Author: Abante LALONG nagiging close sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ngayon. Kasi naman, halos araw-araw ay magkasama silang dalawa sa taping ng Stairway To Heaven. At tila bumabagay sa tunay na sitwasyon nila ang kuwento ng Stairway... Ngayong gabi kasi ay magtatrabaho na si Jenna (Rhian) sa kumpanya ni Cholo (Dingdong). Hindi alam ni Jenna na si Cholo ang may-ari nito. Plinano ito ni Cholo para mas mapalapit siya kay Jenna. Nang malaman ni Jenna na si Cholo ang boss niya, ginusto niyang mag-resign. Pero, nakumbinsi si Jenna ni Badet na itago na lang kay Charlie (TJ Trinidad) ang sitwasyon. Si Eunice (Glaiza de Castro) naman, sobrang imbyerna sa 'di pagsipot ni Cholo sa conference.. Source: Abante |